Chapter 81

9.1K 201 2
                                    




Third person's POV




"Mabuti naman at gising ka na." Nakita ni Brayden sa harap niya ang nakangising si Shaina.




"Nasaan si Isabelle ha?! What did you do to her?!" Tatayo sana si Brayden para lapitan si Shaina pero napansin nitong naka gapos siya.




"Do you really want to know? Baka lalo mo lang sisihin ang sarili mo kapag sinabi ko sa'yo." Nagtaka naman si Brayden dahil hindi nito maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ni Shaina "Bakit hindi pa ba sinabi sa'yo ng mga traydor kong kaibigan ang ginawa ko kay Isabelle ha?" Dugtong nito at medyo tumawa pa.




"I'm going to bring you to hell kapag may ginawa kang masama kay Ysa!"




"Oh my gosh I'm so scared." Shaina said in sarcastic tone "Actually, I've been there. And It's a nice place. But I feel lonely there that's why I'm going to take her and your babies with me. That's a good idea right?"




"Huwag ka lang magkakamali na gawin iyon, Shaina!" Galit na galit na sambit ni Brayden habang pinipilit nitong maalis ang tali sa kanyang mga kamay.




"Yeah, whatever..." Nag roll eyes pa si Shaina "Marcos! Ilabas mo nga pinakamamahal na babae nitong si Brayden. Nang kahit paano ay magkita naman sila, bago ko patayin si Isabelle!" Sumunod naman yung Marcos sa iniutos ni Shaina. Humarap ulit si Shaina kay Brayden at binigyan ito ng isang masamang tingin.




Ilang sandali lang ay kasama na ng inutusan ni Shaina ang nanghihinang si Isabelle. Halos kaladkarin nalang siya dahil hindi na ito makapag lakad ng maayos.




Nanlaki ang mga mata ni Brayden at gusto ng maiyak, ng makita ang kaawa-awang asawa "Y-ysa!"




Kahit hinang hina na si Isabelle ay pinilit niya pa ding imulat ang kanyang mga mata. Hindi pa ito sigurado kung tama ba ang kanyang narinig, pero hinanap niya pa din sa paligid si Brayden at ng makita niya ito ay bigla nalang siyang naiyak "Brayden." Mahina nitong sambit.




Bigla naman nagpanic si Shaina ng akalain nitong makakatakas si Brayden kaya naman inutusan niya ang isa niyang tauhan na higpitan ang pagkakatali kay Brayden.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon