Chapter 24

21.9K 497 6
                                    




Flare's POV


Ay jusko! Masisiraan na ata ako ng bait. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat ko'ng unahin. Kung ito ba'ng si Sabel na kanina pa tawag ng tawag o itong si Brayden na kanina pa ako kinukulit.


Bagay talaga ang Sabel at Brayden na ito. Parehas na makulit.


"Just tell where she is. Dahil alam ko'ng alam mo kung nasaan siya." Ugh! Naririndi na ako. Bakit naman kasi bigla-bigla nalang nawala ang Sabel na 'yon. 'Yan tuloy ako itong ginugulo -___-


Sinabi kasi sa akin ni Sabel na balak na niyang lumipat ngayong araw sa lilipatan niyang apartment. At sinabi niya na samahan ko siya. Pumayag naman ako dahil hindi naman ako busy ngayong araw. Pero ang walang hiya bigla nalang naglaho pagkatapos ng klase namin.


"Hindi ko nga alam." Nang-gigigil ko'ng sabi. Patuloy lang ako sa pagla-lakad at patuloy naman siya sa pag-sunod sa akin. I'm starting to get irritated dahil ang sama na ng tingin sa akin ng mga fans ni Brayden.


"Imposible na hindi mo alam kung nasaan siya. Please Flare, I'm begging you...please tell me where Ysa is." Feeling niya tatalab sa akin 'yang pag-mamakaawa niya? Pwes, mangisay siya hanggang sa magkaroon ako ng awa sa kanya. Pagka-tapos niyang saktan ng paulit-ulit ang kaibigan ko sa tingin niya ba sasabihin ko kung nasaan si Sabel? Asa siya!


"Please..."


"Alam mo ang kulit mo din, eh. Oh ayan tignan mo sa bulsa ng palda ko baka sakaling nandiyan siya sa loob at nagka-kape." Pinaka buksan ko pa ang bulsa ng palda ko at pinakita sa kanya "Hindi ko alam kung nasaan si Sabel, okay... HIN-DI-KO-A-LAM kaya wag ka ng makulit na tanong ng tanong." Iniwan ko na si Brayden na parang pinag-bagsakan ng langit at lupa.


Ng masigurado ko'ng malayo na ako sa kanya ay sinagot ko na ang tawag ni Sabel.


"Bes! bakit ba ang tagal mo'ng sumagot?! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo!"  Nailayo ko agad ang phone ko sa aking taenga, dahil sa pag-sigaw ni Sabel.


"Oo bes. Ramdam na ramdam ko nga yung walang tigil mo'ng pag-tawag eh." Naka-vibrate mode ang phone ko. At kahit na nasa loob ito ng bag ko ay sobrang ramdam na ramdam ko ang pagba-vibrate.


"Nasaan ka na ba ha?"


"Ay baliw lang? Ako nga dapat ang mag-tanong niyan sayo, bes. Dahil ikaw 'tong bigla-bigla nalang nawala." Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw nasa mental na ako eh. Dahil ngayon-ngayon palang mukhang masisiraan na ako ng bait.


"Sorry naman. Pinatawag lang kasi ako ng boss ko. Mag-kita nalang tayo dito sa shop ha."


"K fine. On the way na ako. Bye~" Sabi ko at ako na ang nag-end ng call.


Mamaya ko na sasabihin sa kanya ang tungkol 'kay Brayden. Mas maganda mag-kwento pag harapan.


I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now