Chapter 85

9.9K 216 5
                                    




Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako. Parang binibiyak na. Nilasing ko kasi ang sarili ko kagabi. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay idinaan ko sa alak. Napaka useless ko dahil wala akong magawa para tulungan ang babaeng mahal ko.




Iniisip ko nalang kung bakit si Ysa ang nagbabayad ng lahat ng mga kasalanan at kabulastugan ko sa buhay. She's a good person, mas inuuna niya pa nga ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya. Is this how life runs? Kailangan ba talaga na 'yung mga taong mabubuti ang loob ang magbabayad ng kasalan ng mga makasalanang tao?




I don't really know what should I think. What should I do. Parang hindi na tumatakbo ng maayos ang utak ko.




Napatayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa ng may kumatok. Kahit ramdam ko pa ang hilo ay tumayo pa din ako para pagbuksan 'yung kumakatok. Sa sobrang kalasingan ko nga ay dito na ako sa sala nakatulog.




"I knew it. Nilunod mo na naman ang sarili mo sa alak." Mataray na bungad sa akin ni Seraphina. Hinawi niya ako at nagkusa ng pumasok sa loob ng condo ko.




"Geez! Ano ba ito bahay o malaking basurahan?!" Sigaw ni Seraphina habang isa-isang pinupulot ang mga bote ng alak sa sahig.




Kumuha na siya ng garbage bag at doon nilagay ang mga basura. In short, siya na itong naglinis at nagtabi ng mga kalat ko.




"Oh, higupin mo 'yan habang mainit pa, ng mabawasan hangover mo." Inilapag ni Seraphina ang niluto niyang noodles. Noodles lang kasi ang stock ko'ng pagkain dito sa condo. Kapag dito kasi ako umuwi sa condo ay dinadalhan ako ng pagkain ni mom, o kaya uutusan niya 'yung isa sa mga maid niya. Kaya ayun tinamad na akong mag grocery, at wala din akong time na mamili pa dahil lagi ko'ng binabantayan si Ysa. Pagkagaling ko sa school ay sa hospital ang deretso ko.




"Thanks." Sabi ko at hinigop yung sabay nung noodles.




Naupo sa kaharap ko'ng upuan si Seraphina at naniningkit matang nakatingin sa akin.




"What?" I asked.




Imbis na sagutin niya ako ay bigla niya nalang pinalo sa akin yung dyaryo na nasa lamesa "What ka diyan! Baka nakakalimutan mo'ng hindi ka pa nanghihingi ng sorry sa akin. At tinataguan mo pa ako. Wala pa akong masabi kila mom and dad sa tuwing tatanungin nila ako kung bakit simula ng mangyari 'yung trahedya ay hindi ka pa nagpapakita sa amin. Hindi sapat na sabihin mo'ng walang kang mukha na maihaharap sa amin, kaya hindi ka nagpapakita. Don't blame yourself. Sabi nga nila, expect the unexpected. At kung ano man ang mga nangyayari ngayon, lahat yun unexpected. Walang may gusto sa nangyari Brayden. Kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo." Mahabang litanya ni Seraphina.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang