Chapter 76

10.4K 219 2
                                    




Brayden's POV




"Ysa, please stop stressing yourself. Alam mo naman na nakakasama sa'yo ang ma-stress. Lalo na sa kambal natin." Kahapon kasi ng matapos ang klase nila ay bigla na lang siya nag collapse. May klase pa ako nun at tinawag lang ako ni Flare at ibinalita sa akin ang nangyari kay Ysa.




Sinabi ng doctor na dala lang daw ng stress ang pagkakahimatay ni Ysa. At nang tanungin ko naman si Flare kung napano ba talaga si Ysa, ay wala siyang maisagot. Basta ang alam niya ay bigla nalang umakto ng kakaiba si Ysa.




Pansin ko naman na ang weird nga ni Ysa ng ihatid ko siya sa bahay nila. And everytime I'm asking her, she's just saying 'nothing'. Kaya naman ng tanungin ako ni Tita Laila ay wala akong maisagot.




"Stop worrying. Sa tingin ko ay sumama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya ako nahimatay."




"See. You're not even sure what really happened to you yesterday. The doctor said, it's because of the stress kaya ka nahimatay. I almost died worrying to you and to our babies'. Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala, Ysa. Dahil alam mo'ng hindi ko kakayanin na mawala kayo ng mga anak natin." Huminto sa paglalakad si Ysa. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.




"Sorry kung nag-pa stress na naman ako. Sorry kung pinag-alala kita. Sorry na. Promise hindi ko na hahayaang ma-stress pa ako." Mag-sorry man siya o hindi. Basta marinig ko lang ang boses niya ay biglang lumalambot ang puso ko. Yung galit na nararamdam ko sa kanya biglang nawawala, well hindi ko naman natitiis na magalit ng matagal sa kanya.




Kahit nga siguro gumawa pa siya ng paulit-ulit na pwede kong ikagalit ay never pa din ako magtatanim ng galit sa kanya.




"Apology accepted. Basta mangako ka na hindi ka na ulit babalik ng hospital, babalik ka lang doon kapag magpapa check-up ka at kapag manganganak ka na ha?" Parang bata na tumango-tango si Ysa habang nakangiti pa. Ngiti na hindi ko makakayanang hindi ko makita "Now tell me what really happened to you yesterday. Ano ang dahilan kung bakit ka na-stress?" Yung ngiti niya ay biglang nawala. Nakatingala lang siya sa akin at para bang nagmamakaawa na huwag ko ng alamin.




"Huwag ka ng makulit. Hindi naman ako magagalit eh."




Hindi niya pa din ako sinagot. Humiwalay lang siya sa pagkakayakap tsaka tumingin sa wrist watch niya.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now