Chapter 49

16.1K 363 4
                                    

Isabelle's POV

"Class, instead na tour ang gagawin niyo for this semester, ay napag-usapan namin ng ibang professor na retreat nalang ang gagawin natin. Malaki din naman ang maitutulong ng retreat sa inyo." Ms. Calleja said.

Nag-umpisa naman magbulungan ang mga classmates ko. Well ako wala naman ako'ng pake kung tour pa 'yan o retreat. Dahil mandatory pa din naman ang pagsama.

"So be ready, dahil bago kayo mag sembreak ay doon gagawin ang retreat niyo. Understood?"

"Yes, ma'am." Sagot naming magka-kaklase.

Nag-start ng magturo ng lessons si Ms. Calleja. Nakikinig lang ako sa kanya ng bigla ako'ng nakaramdam ng gutom. Kinalkal ko 'yong bag ko pero wala naman ako'ng nakitang pagkain.

Naisip ko na tanungin si Sebastian dahil lagi naman siyang may dalang pagkain.

"Pst. Sebastian may pagkain ka?" Bulong ko, para 'di ako marinig ng prof. namin.

"Wala." Bulong niya pabalik.

"Dali na. Alam ko naman na may pagkain ka diyan. Ayaw mo lang mamigay. Sige na please, nagugutom ako eh." Nagmamakaawa na ako pero ayaw niya pa din ako bigyan.

"Okay fine, sayang may concert ticket pa man din ako ni James Reid. VIP pa...pero hindi ko naman siya idol kaya itatapon ko nalang siguro itong ticket." Naiiling ko pa'ng sabi. Nakita ko na bigla siyang napatingin sa akin.

Haha I knew it.

"Really? Asan na? Dali sa akin nalang." Excited niyang sabi pero mahina lang ang kanyang boses.

"Ayoko nga, madamot ka eh." Sabi ko tas ibinaling ko nalang ang tingin ko sa prof. namin na nagsusulat sa white board.

"Heto naman hindi mabiro." May kinalkal siya sa bag niya at may kinuhang pagkain "Oh heto na. Dali nasaan na 'yong ticket?" Inilapag niya 'yong mga pagkain sa desk ko. Ako naman ay kinuha ang ticket sa bag ko. Tsaka ibinigay sa kanya. Konti nalang ay magtatatalon siya sa tuwa ng mahawakan niya 'yong ticket.

Yung concert ticket ay galing kay Maddy na ibinigay lang sa kanya ng pinsan niya. Pero hindi naman daw idol ni Maddy si James Reid kaya sa akin niya nalang ibinigay kagabi. Eh ang kaso hindi ko naman mapapakinabangan 'yong ticket dahil katulad lang ako ni Maddy. Actually hindi ko nga masyado kilala 'yang si James Reid, hindi kasi ako pala nood ng TV.

"Thank you, girl. Grabe makikita ko na naman ang mga pandesal ni James Reid." Ang hilig talaga sa pandesal nitong Sebastian na ito. May sarili naman siyang pandesal.

Bilib din ako diyan kay Sebastian. Kahit babae kumilos pa'ng lalaki pa din ang katawan. Meron pa siyang 6 pack abs. Dinaig pa 'yong mga ibang lalaki talaga.

Habang nagtuturo si Ms. Calleja ay patago ako'ng kumakain. Kahit sa ibang subjects ko patago din ako'ng kumakain. At ngayon lunch na pero gusto ko pa din kumain. Hihi.

"Kaloka ka bes. Nag ni-ninja moves ka no."

"Ganyan talaga pag gutom, bes." Sabi ko.

Lumabas na kami ng room ni Flare, para pumunta sa cafeteria. 'Yong tatlo ay mukhang nauna na dahil kanina pa sila lumabas.

Nagku-kwentuhan kami habang naglalakad kami ni Flare. Daldal kami ng daldal kaya hindi ko napansin na may nabungo ako.

Bakit ba lagi nalang ako'ng nabubungo?

"Ay sorry." Sabi ko tsaka ko tinulungan magpulot 'yong nabungo ko sa mga nalaglag niyang gamit "Sorry talaga ha." Sabay bigay doon sa libro at iilang papers.

"No, it's okay." Iniangat ng nabungo ko 'yong ulo niya. At nagulat ako ng makilala ko siya.

"Q/Isabelle." Sabay naming sambit.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti ko'ng tanong.

"Nag-transfer na ako dito, since matagal pa ako'ng makaka balik ng america. Eh ikaw ano'ng ginagawa mo dito?" Ang hyper naman ng isang 'to "Oh, mukhang dito ka nag-aaral, 'cause your are wearing the same uniform." Sabi niya at nagkamot ng batok ng tignan niya 'yong suot ko at suot ng mga estudyante.

"Ehem!"

Napatingin kami kay Flare na nakatingin lang sa amin "Ay nga pala, Q, this is my besfriend, Flare. And Flare this is, Q, my new friend." Tapos ay nag shake hands sila.

Matapos nilang magkakilalahan ay inaya ko'ng sumabay na sa amin si Q na kumain.

"Ganito ba talaga tumingin ang mga estudyante dito, Isabelle? Mukhang papatay sila ng tao." Bulong sa akin ni Q.

"Ganyan lang talaga ang tingin ng mga insecure." Sabi ni Flare tsaka niya tignan din ng masasama 'yong mga estudyanteng nakatingin sa amin.

"Insecure?"

"Oo 'yang mga 'yan insecure kay--"

Pinutol ko ang sasabihin ni Flare tsaka siya pinanlakihan ng mata "Bes. Tama na." Tumigil naman siya.

Tumingin ako kay Q na naguguluhan "Huwag mo ng pansinin 'yong sinabi ni Flare. Hehe. Tara na." Tumango nalang siya at hindi na nagtanong.

Palapit na kami sa cafeteria ng marinig ko ang pangalan ko. Pag-lingon ko nakita ko 'yong tatlo na tumatakbo. Nang makalapit sila sa akin ay agad nila ako'ng hinila ng wala man lang sinasabi.

"Bakit? Mamaya ang o-OA niyo na naman mag-react eh." Baka mamaya isipin ko na naman na may kamalasan na padating sa akin. Tapos wala naman pala.

"Bakit nga?" Tanong ko ulit.

"Basta sumama ka nalang sa amin." Sabi ni Sebastian na nandoon sa likod ko.

"May magagawa ba ako? Eh grabe kayo maka-hatak sa akin." Hindi na nila ako sinagot.  Patuloy pa din sila sa pag-hila sa akin, hanggang sa makarating kami sa school gym.

Nagtaka ako kung ano'ng meron dahil ang daming estudyante sa loob ng gym. Hindi pa din ako binibitawan ng tatlo. Patuloy pa din sila sa pag-tulak sa akin. Nakarating kami sa pinaka-harap at doon na nila ako binitawan.

Napaisip ako na baka may concert o mini events. Dahil may stage sa harap ko. At sa stage may lcd screen, guitara, drum set at syempre mike.

"Ano ba'ng meron dito ha? Alam niyo naman na hindi ako mahilig sa mga concert-concert na 'yan." Para ako'ng tanga dito. Tanga na hindi pinapansin ng kausap niya.

"Bahala nga kayo diyan." Pagtalikod ko nakita ko si Seraphina at nasa likuran niya naman ang grupo ni Shania.

Naka cross arms at naka taas ang isang kilay niyang nakatingin sa akin. At parang binibigyan ako ng what-are-you-doing-here-look. Hindi naman ako nagpatalo. Tinaasan ko din siya ng isang kilay at binigyan ng wala-kang-pake-look. Sabay wave ng hair.

"Uy saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Amber "Dito ka lang, 'wa kang aalis."

"At bakit?"

"Basta. Huwag ka na munang aalis. Please." *puppy eyes*

"I'm gonna stay...If you're going to tell me what's going on here. Alam niyo naman na hindi mahilig sa mga ganitong concert."

Biglang napalunok si Amber at nag-iwas ng tingin. Tinignan ko si Cleo at Sebastian na katabi lang ni Amber. Nag-iwas lang din sila ng tingin.

"Fine. Aalis na ako."

Hindi pa ako nakaka-hakbang ng pigilan na naman nila ako.

"No!" Sabi nila.

At sabay no'n ay biglang namatay ang ilaw sa buong gym.

---

P.S. Don't get me wrong here. I AM NOT ONE OF JAMES REID HATER.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now