Chapter 48

17K 360 4
                                    

At dahil tapos na ang aming enrollment at mock and exit interview ay makakapag UD na ako ulit. 😁😁😁 So heto na. :)

I dedicate this chapter to you. Oh yan wala ng pambubully 'yan. Huwag mo muna ako'ng patayin marami pa ako'ng pangarap sa buhay. Hahaha Labyou 😘 Pasensiya na at na highblood ka ng pambubully sa ating bida. 😉

~❤~❤~❤~ 


Isabelle's POV


"You okay, bes? Bakit hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo?"


"Wala ako'ng gana kumain, eh." Hawak ko lang ang tinidor at tinutusok-tusok ang pagkain ko. Marahil masyadong marami lang ang nakain ko kaninang umaga kaya wala ako'ng gana kumain ngayon.


"Ang dami mo din kasing nakain na almusal kanina, eh." Sabi ni Amber.


15 minutes nalang ang natitira bago matapos ang lunch. Hinihintay ko nalang ang mga kasama ko na matapos kumain para makabalik na kami ng room.


"Ah guys, mauna na ako sa room ah. Iidlip lang ako." Hindi ko na sila hinantay pang sumagot. Tumayo na ako at naglakad papuntang room.


Habang naglalakad ako ay napipikit na ang aking mga mata. Feeling ko sobrang kulang ko sa tulog.


"Sorry." Hinging pasensya ko sa nabungo ko. Hindi ko alam kung sino 'yong nabungo ko dahil antok na antok na talaga ako. Para na nga ako'ng zombie maglakad.


Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa dinadaanan ko. Ang alam ko lang tatlo silang babae pero 'yong mukha nila hindi ko masyado maaninag.


Bwisit naman 'tong antok ko.


"Matuto ka ngang tumingin sa dinadaanan mo." Aish! Ano ba ang problema nito. Humingi na nga ako ng sorry. Ano ba'ng gusto niya lumuhod pa ako?


"Sorry na nga 'di ba? Oh sige sorry ulit. Okay na ba?" Lalagpasan ko na sana sila ng biglang hawakan ng isa ang braso ko at hinila pabalik sa kanila.


"I'm not going to accept your sorry. Ang gusto ko lumuhod ka sa harap ko."


Pinilit ko'ng isantabi muna ang antok ko "Lumuhod? Tsk. Pwede miss 'wag ka ngang OA. Hindi naman grabe ang pagkakabungo ko sa'yo. At sa pagkakaalam ko nga ay tumama lang ang braso ko sa braso mo. Then you want me to kneel infront of you? That's stupid." Kahit naman inaantok ako kanina ay alam ko pa din kung saang parte ng babaeng ito, ko siya natamaan.


"Ang lakas din ng loob mo para tawagin ako'ng stupid!" Galit na galit na sabi ng babaeng nabungo ko--Ay hindi pala natamaan lang.


"OA ka na nga assumera ka pa. Hindi ikaw ang sinabihan ko'ng stupid. 'Yong kagustuhan mo'ng lumuhod ako sa harap mo. 'Yon ang stupid." 'Yong antok ko medyo nawala na ng dahil sa babaeng ito. Hindi ko siya kilala, dahil sa totoo lang hindi ko naman minimemorize ang mga itsura ng estudyante dito sa school. Kahit pa part ako ng council. At hindi din naman siya kasama doon sa mga nambubully sa akin.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now