Chapter 64

14.2K 277 6
                                    




Isabelle's POV




*Ringggg*




Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit ko pa din sagutun yung tumatawag.




["I had a feeling that you're holding my heart and I know that it is true. You wouldn't let it be broken apart 'cause it's much too dear to you. Forever we'll be together no one can break us apart. For our love will truly be. A wonderful smile in your heart...Good morning mahal ko. Wake up na. Nandito ako sa labas ng apartment mo."] Aish. Ank ba yan pang bitin naman ito sa pagkanta niya. Hindi pa tinapos eh.




Sa gitna ng antok ko ay hindi ko napigilan ang hindi mapangiti. Ang ganda naman ng salubong ng umaga sa akin.




Pero ano daw? Nasa labas siya ng apartment ko? Bakit sobrang aga naman ata. Tinignan ko yung oras sa phone ko at nakita ko'ng 5:10am palang. Hindi ko na sinagot si Brayden at dali-dali akong tumakbo palabas.




"Bakit ba ang aga mong dumating?" Ginugusot-gusot ko pa ang aking mga mata.




"Gusto ko lang na sabay tayong mag-almusal." May itinaas siyang isang paper bag.




Pumasok na kami sa loob at inihanda ko na yung mga pagkain na dala niya.




"Hindi ikaw nagluto nito no."




"Ako kaya."




"Weh? Ipahalik man kita sa sampung losyang na kabayo?"




"Heto naman hindi mabiro. Syempre si Mommy nag-luto niyong mga dala ko. Alam mo naman na hindi ako ganon kagaling magluto." Tawa naman ako ng tawa dito. Pagdating talaga sa pagkain hindi ako mauuto ng Brayden na ito. Alam na alam ko kasi ang luto ni Mommy Hailey sa luto ni Brayden.




"Ah nga pala. Hindi pa tayo lumalabas ng kasama yung mga mama natin. Next time na mag date tayo isama natin sila para naman magkakilala na sila." Ang makasarili naman naming anak ni Brayden. Ni hindi man lang namin naalala na ipakilala ang mga ina namin sa isa't-isa. Pero ako nabanggit ko na din naman kay Mama Laila si Mommy Hailey.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now