Chapter 5

31.2K 827 5
                                    


Isabelle's POV


Naalimpungatan ako ng maramdaman ko'ng may nakadagan sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at pinag-masdan ang paligid ko. Kung hindi ako nag-kakamali ay kwarto ko ito.


Tumingin ako sa aking side ng may biglang gumalaw.


'What the! B-bakit nandito si Brayden?!'


Deretso lang ang aking higa, habang si Brayden ay naka pa-side at nakayakap pa ang isang braso at paa nito sa akin. Sobrang himbig pa ng tulog niya.


"Wahh! Ano'ng ginagawa mo dito sa kwarto?!" Sigaw ko tsaka ito sinipa, dahilan para mahulog siya. Kinuha ko ang kumot na nasa higaan ko at itinakip sa aking sarili.


"Jeez! What's your problem?" Hawak nito ang kanyang ulo at hinihimas. Medyo nakapikit pa siya na halatang inaantok pa. Hindi ako kumikibo at parang takot na nakatingin sa kanya.


Jusko colored! Ano ba ang ginawa ng lalaking ito sa akin? May nangyari ba sa amin kaya ngayon ay mag-katabi kami sa iisang kama? Wahh! My precious virginity.


Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng bigla ako'ng yakapin ng mahigpit ni Brayden "Damn, pinag-alala mo ako."  Sobrang hina lang ng pag-kakasabi nito, ngunit narinig ko pa din.


Ang puso ko biglang tumibok ng sobrang bilis, tulala lang ako at hindi makapaniwala. Si Brayden na wala ng ginawa kun'di ang sungitan at sigawan ako ay bigla ako'ng niyakap at nag-alala pa ito sa akin.


Mukha naman biglang napagtanto ni Brayden ang kanyang ginawa, kaya agad itong humiwalay sa akin "Ah..ahm. B-bumaba ka na, dahil kanina pa nag-aalala si Mommy sayo." Sambit niya ng hindi makatingin ng diretso sa akin.


Gosssssh! Kinikilig ako *.*


Nabalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang pag-sara ng pinto ng kwarto ko. Kaya naman mabilis ako'ng bumaba sa aking kama at sinundan si Brayden.


"Tama ba ang narinig ko ha? Nag-alala ka sa akin? At bigla mo pa ako'ng niyakap." Ang bipolar naman ng lalaki'ng 'to. Kanina ang bait ngayon naman bumalik na siya sa pagiging isnabero niya. Sayang naman akala ko magiging mabait na siya. Tsk.


"Uyy. Sagutin mo naman ako. Kanina nag-aalala ka, tapos--" Hindi ako nito pinatapos at huminto sa may hagdan.


"Ano'ng nag-alala? At bakit naman ako mag-aalala sayo ha?"

"Aminin mo nalang kasi. Sige nga, kung hindi ka nag-alala sa akin, bakit nandoon ka sa kwarto ko? Tapos nakayakap ka pa sa akin habang natutulog tayo. And take note you hugged me two times. At sinabi mo pa'ng 'Damn, pinag-alala mo ako' Oh akala mo hindi ko narinig 'yon ah." Aba wala naman mawawala kung sasabihin niya ang totoo. Tsaka alam ko'ng hindi naman ako nananaginip kanina kaya alam ko'ng totoo lahat ng nakita at narinig ko.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu