Chapter 39

17.2K 409 7
                                    



Third person's POV


*tok tok tok*


"Mrs. Anderson, may malaki po tayong problema." Iniharap ni Mrs. Anderson ang kanyang swivel chair sa sekretarya at binitawan ang hawak na mga dokumento.


"What is it secretary Lim?" She asked oh her secretary.


Lumapit ang kanyang sekretary sa kanya at may inilapag ito'ng isang folder. Kinuha naman ito ni Mrs. Anderson para alamin kung ano'ng nilalaman ng folder.


Hindi makapaniwala si Mrs. Anderson ngayon sa kanyang nababasa. Mga dokumento na naglalaman ng isang masamang balita.


"Secretary Lim, ano'ng ibig sabihin ng mga ito? Paanong na bankrupt ulit ang kumpanya natin?! Akala ko ba napa-balik niyo na lahat ng investors natin?!" Hindi lubos akalain ni Mrs. Anderson na muling maba-bankrupt ang kumpanyang pinaghirapan nila ng kanyang asawa. Noong una ay agad nilang itong nalutasan lalo na't tinulungan sila ng pamilyang Montellion. (Ang mga magulang ni Seraphina)


"Lahat ng mga investors po natin noon, Ma'am, ay bumalik. Hindi lang ho namin maintindihan kung bakit nag back-out na naman sila ngayon. Pinilit na din ho namin silang bumalik ngunit sinasabi nilang wala na silang mapapala sa ating kumpanya dahil palugi na ito."


Umiisip na ngayon ng paraan si Mrs. Anderson kung paano niya kakausapin ang kanyang mga investors na 'wag ng ituloy ang pagba-back out nila. Sobrang laki din ng naitutulong ng investors si Ms. Anderson sa kanyang kumpaniya. Kaya hindi niya pwedeng basta-basta hayaan na umalis ang mga ito.


"Please, secretary Lim. Help mo to fix this. Alam mo kung gaano ka-importante ang kumpanya na ito sa akin." Ang buong akala ni Mrs. Anderson ay 'yon lang ang problema ng kanilang kumpanya, ngunit ang hindi niya alam ay may mas malaki pa'ng suliranin ang paparating.


-


Isabelle's POV


Habang kumakain ako ng agahan ko ay nagbabasa ako ng libro. Guide for pregnancy 'yong title ng book. Hiniram ko ito sa kapitbahay ko kanina. Nakita ko kasi noong nakaraang linggo na nagbabasa 'yong buntis ko'ng kapitbahay nitong libro. Kaya naman naisipan ko'ng hiramin para magkaroon ako ng ideya. Hindi din naman basta-basta ang pagbubuntis.


Excited na nga ako ngayong araw para sabihin kay Brayden na buntis ako. Pero naiisip ko na, sabihin ko nalang kaya sa kanya pag-sinagot ko na siya ulit. Para naman maramdaman ko ang feeling ng isang nililigawan. Hehe. Kainis nga kasi kahit ilang beses ko ng sinasabi na hindi ko na siya mahal eh pinayagan ko pa din siya na manligaw. Tanga na kung tanga. Pero mahal ko pa din talaga si Brayden.


And about 'don kay Ms. Laila Parker--Naalala ko na pangalan niya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin 'yon. Sabi kasi dito sa binabasa ko dapat pag buntis wag nagpapa-stress. Kasi pati si baby maapektuhan. Dapat always happy lang. Hindi ko alam kung bakit gano'n 'yong mga sinabi niya sa akin kahapon pero sa tingin ko sinabi niya lang 'yon para paglayuin kami ni Brayden. Hay, naaalala ko tuloy sa kanya si Seraphina the bitch.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now