Chapter 9

30.2K 772 11
                                    

Kim Ji Won as Seraphina.



Isabelle's POV


Kanina ko pa gusto bumaba ang kaso ang sakit ng ulo ko. Naka-bihis na ako para pumasok, pero nalulula ako sa tuwing tatayo ako.


Hate this headache >.<


*Tok tok tok*


"Bukas 'yang pinto." Sambit ko. Di ko pa rin kasi magawa'ng tumayo.


Nakayuko lang ako kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok. Pero inisip ko nalang na si manang Fely 'yon. Siya lang naman kasi ang kumakatok minsan sa kwarto ko ng umaga, para mag-linis.


"Oh." Sambit ng pumasok.


Medyo iniangat ko ang aking ulo at nakita ko ang gamot sa harap ko. Napansin ko na kamay ng lalaki ang nakikita ko kaya tinignan ko kung sino ito.


"Masakit ulo mo di ba? Inumin mo na 'yan" Kaloka naman ang Brayden na 'to. Hindi ko alam kung ako ba kausap niya o 'yung bintana. Paano ba naman kasi nakatingin ito sa may bintana ng aking kwarto.


But how did he know na masakit ang ulo ko? Eh, wala naman ako'ng pinag-sabihan na masakit ang ulo ko. Manghuhula ba siya?


"Banlad ka ba ha? Bakit diyan ka sa bintana nakatingin? Eh nandito ako sa harap mo." Sabi ko.


"Tsk. Inumin mo nalang 'yang gamot." Kahit na ang weird niya ay kinuha ko pa din ang gamot na ibinibigay niya.

OMO! Tama ba 'tong nakikita ko? Nag ba-blush si Brayden?

Napansin ko ito habang nakatingin ako sa kanya. Pero bakit naman siya mag-ba-blush? Nag-bibigay lang ng gamot kailangan mag-blush na? Baka naman siya itong may sakit.

"Teka." Pigil ko sa kanya, bago siya makalabas. Huminto lang siya, pero hindi humarap sa akin "Nilalagnat ka ba ha?" Tanong ko. Taka'ng humarap siya sa akin "Kasi namumula ka. So may lagnat ka ba ha?"


Nag-iwas lang ito ng tingin "H-hindi. Inumin mo nalang 'yang gamot. Male-late ka na." Sabi niya. Why he's acting like a shy person? At kailan pa siya nag-karoon ng hiya?


"K. Pero pwede paabot muna ng tubig? Kasi hindi naman ako si darna para lunukin itong gamot ng wala'ng tubig" 


Hindi siya sumagot at nag-punta sa mini table kung saan nakalagay ang inumin. Iniabot niya sa akin ang isang baso'ng tubig ng hindi nag-sasalita. Ni hindi pa rin ito makatingin ng maayos sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin ng lumabas ito. Ininom ko na ang gamot na ibinigay niya, dahil medyo oras na.


-


After our first subject ay nag-paalam sa akin si Flare na mag-si-CR siya, pero hanggang ngayon ay wala pa din siya. Sinabi ko na nga kanina na sasamahan ko siya pero tumanggi ito. Tapos nag-mamadali pa siyang umalis. 

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now