Chapter 46

15K 344 2
                                    



"Hoy, sino kayo?! Bitawan niyo nga ako!" Hindi ko makita kung sino 'yong mga nakahawak sa akin dahil madilim sa loob at wala man lang akong naaninag kahit kaunting liwanag.


"Ano ba! Sabi ng bitawan niyo ako eh!! Tulong! Tulong!" Tantya ko ay mga lalaki ang nakahawak sa braso ko. Dahil masyadong malakas ang mga ito kung ikukumpara sa babae.


"If I were you, I'm gonna stop screaming. 'Cause no one will hear you." Sambit ng isang boses lalaki.


Kahit na nilalakasan ko na ang loob ko ay nangingibabaw pa din ang takot ko. Gusto ko ng maiiyak.


"Tama na please *sob*" Pagmamakaawa ko.


Ni isa ay walang pumapansin sa akin. Nararamdamn ko ng sumasakit ang aking mga kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak sa akin. Iyak lang ako ng iyak ng bigla ako'ng may narinig na babae'ng nagsalita.


"What a cry baby. Well it's not going to work...Sige umpisahan niyo na." Umpisahan? Umpisahan ang alin?


Naramdaman ko nalang na isinandal ako sa pader. Itinaas ang mga kamay ko at may nararamdaman ako'ng mga kamay na humahawak sa aking katawan.


"Wag! Tama na!" Nagpupumiglas ako pero patuloy pa din ang mga taong hindi ko kilala sa paghawak sa aking katawan.


"Tul---asdfghl" Hindi na ako nakahingi ng tulong ng may magtakip sa bibig ko.


Tanging pag-iyak at pagpupumilit na makawala lang ang aking nagagawa. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko lalo pa at walang dumarating na saklolo. Kahit na hindi naman nila hinahawakan ang maseselang parte ng katawan ko ay sobrang natatakot pa din ako. Parang gusto ko nalang na patayin nila ako kesa sa binababoy na nila ako ng ganito.


Gusto ko ng maglaho, dahil hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin. Hindi ko lubos akalain na sasapitin ko ang ganito. Hindi ko din akalain na sa simpleng 'Oo' sa sagot sa kagustuhan ni Brayden ay ganito ang magiging kapalit. Kung alam ko lang sana. Kung alam ko lang sana ay hindi na ako pumayag pa. Pinili ko nalang sana na tanggapin ang katotohanan na hindi na kami pwedeng mag-kabalikan ulit.


"Hahahahaha!" Mga malalakas na tawa ang nakapag-paingay dito sa room. Hindi ko makita kung kanino nanggagaling ang mga tawa dahil madilim pa din ang paligid.


"Tigilan niyo na 'yan." Utos ng isang babae. Tumigil 'yong mga taong humahawak sa akin. Ng bitawan din nila ang kamay ko ay napaupo nalang ako sa sahig.


Kahit na wala ako'ng makita ay gusto ko silang sugurin. Ngunit lahat ng lakas ko ay naglaho na. 


"That's a lesson for you. Kaya magtanda ka na malanding babae ka!" Narinig ko'ng nagsitawanan ang mga ito. At ilang sandali lang ay lumabas na sila.


Nang umalis na sila ay naiyakap ko ang aking mga kamay sa aking katawan. Naiwan ako dito sa room na patuloy pa din sa pag-iyak at takot na takot. Oo, matapang ako'ng babae. Pero kung ganito na ang ginawa sa akin ay hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ng loob para magpakatatag.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now