Chapter 42

17.7K 406 14
                                    

Here's your request. I dedicate this chapter to you. Thank you for reading my story 😘😘. Godbless. 😄

~❤~❤~❤~



Hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa restroom. Naka-upo sa isang isulok habang hinihintay ang pagdating ni Flare. Sinabi ko kasi sa kanya 'yong nangyari sa akin.


Hindi na nga ako nakapasok ng first subject namin dahil sa ginawa sa akin.


"Bes! Bes! Nandiyan ka pa ba ha? Okay ka lang ba? Bes!" Agad ako'ng napatayo ng marinig ko 'yong malakas na boses at pagkatok ng kaibigan ko.


"Oo bes okay lang ako."


"Bes, lumayo ka sa may pintuan...Dalian mo na buksan mo na." Lumayo ako sa pinto gaya ng sabi ni Flare. Naririnig ko mula sa loob na pilit tinatanggal ang pagkaka-lock ng pinto.


Ilang sandali lang ay bumukas na 'yong pinto. Nakita ko ang mga kaibigan ko, Caleb at si Matthew na may hawak na bakal.


"Bes!!" Yayakapin sana ako ni Flare ang kaso di na niya tinuloy, malamang dahil sa itsura ko'ng mukhang ewan "Bes ano ba ang talagang nangyari sa'yo? Bakit ba ganyan itsura mo? Ang baho mo."


Lahat sila ay nakatakip ang mga ilong habang nakatingin sa akin.


"Sabihin nalang natin na hindi swerte ang araw ko ngayon." Hindi ko talaga gets kung ano ba 'yong kasalanan ko doon sa mga babae. Wala naman ako'ng natatandaan na inabuso ko 'yong mga taong 'yon "Dala mo ba 'yong pinapahiram mo'ng damit sa akin bes?" Tumango si Flare tapos may inabot siyang paper bag sa akin.


Nagpunta kami sa shower room dito sa school. At doon ko nilinis ang aking sarili. Mabuti nga at naalis na 'yong mabahong amoy sa katawan ko at 'yong malagkit na slime. Sampung beses pa ako'ng nagsabon para lang sure na maalis 'yong nasa katawan ko.


"Girl, bakit ba ginawa sa'yo 'yan ha?" Tanong ni Sebastian pagkalabas ko sa shower room.


Nakaktouch naman itong mga kaibigan ko talagang hinintay pa nila ako. Haha.


"I don't know. Wala ako'ng ideya...Bes, wala na ba'ng mas iikli dito sa palda mo?" Hila na ako ng hila dito sa suot ko'ng palda dahil naiirita ako. 'Yong palda kasi ni Flare parang 'yong kasing haba ng mga uniform sa anime. Eh 'yong akin hanggang tuhod. Uniform lang naman ang hiniram ko kay Flare, pero yung pangloob inutusan ko siyang bilhan ako. Hehe.


"Huwag ka ng maarte, bes."


"Oo na." Bago kami bumalik sa room ay lumapit muna ako kay Claeb tsaka Matthew.


"Thank you sa pagtulong niyo para mabuksan 'yong pinto doon sa restroom."


"No problem. Hindi ka naman namin pwedeng pabayaan dahil ipinaubaya ka sa amin ni lover boy." Natatawang sabi ni Matthew. Pati si Caleb ay natatawa din.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now