Chapter 41

17.2K 350 9
                                    



Nakakapagod at nakaka-stress ang araw na ito ngayon. Bwisit kasi 'yong isang customer kanina na gumawa pa ng eskandalo dahil lang nakalimutan ko lagyan ng extra sugar 'yong order niyang kape. Napaka liit na bagay pinalaki pa. May mga customer talaga na pasikat.


Tapos isa pa 'yong Seraphina at Shania na 'yon. Hindi naman ako malandi na katulad nila. Ano ba ang tingin nila gagayahin ko sila? Duh! Never!


At pasalamat talaga ang Shania na 'yon at isang sampal lang ginawa ko sa kanya. Alam ko nagulat siya doon sa ginawa ko. Hindi porke naapi niya ako noon ay papayag pa ako na apihin niya ako ulit. Ano ako, tanga na mag eenjoy apihin? Bagay lang sa kanya 'yong ginawa ko. Tapos ang lakas pa ng loob niya na ideny 'yong nakita ko. Tsk.


"Baka naman malunod na kami diyan sa lalim ng iniisip mo ha." Natigil ako sa pag-iisip nung marinig ko 'yong boses ni Pipoy.


Nakita ko naman na nagtatawanan 'yong mga kasamahan ko. At ako 'yong pinagtatawanan nila -_-


"Huwag ka'ng mag-alala mahal ka 'non." Nagtawanan na naman lahat dahil sa sinabi ni Gen.


Sige ako na OP.


"Ang baliw niyo." Tumawa na din ako.


Closing time na kaya naglinis at nag-ayos na kami dito sa shop. Pagkatapos ay nag-punta na kami sa kanya-kanya naming locker para makapag palit ng damit.


Nang ma-lock na ang pinto sa shop ay nag kanya-kanya na kami ng uwi. Kahit malapit lang 'yong apartment ko nag-tricycle pa din ako. Nakakatakot kasi dumaan mag-isa doon sa kanto papunta sa bahay.


Pagka-uwi ko ng bahay ay kumain na ako at nagpahinga saglit para makapag-hilamos na ako.


Bago ako matulog ay tinignan ko 'yong phone ko kung may message or call. Kaso wala. Kahit text niya wala din. Hinayaan ko na kung wala siyang text. Natulog nalang ako.


-


Kinabukasan....


*Kring*kring*kring*


Pinatay ko 'yong alarm sa phone ko. Bumangon na ako at ginawa ang aking daily routine. Nagluto ako ng sinangag at ham para sa almusal ko. Sinabayan ko din ng mainit na milo. Pagkatapos ko'ng kumain nagpahinga lang ako at naligo na.


Matapos ko'ng maligo at mag-ayos ay pumunta na ako sa school.


*Santa Monica Academy*


Habang naglalakad ako sa loob ng campus ay ang lawak ng ngiti ko. Sobrang saya ko kasi tinext ako ni Dylan at pinapapunta niya ako sa kanila after class dahil hinahanap daw ako ni Kyro. After kasi 'nong aksidente ay hindi pa kami nagkikita ni Kyro. Kaya ngayon excited ako.


"Hi, are you Isabelle?" Sabi 'nong lalaki na estudyante din dito sa school. Paano ko nalaman? Suot niya 'yong uniform ng school eh. Haha.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now