Chapter 17

23.2K 577 14
                                    


Isabelle's POV


"Bes, gising na."

Dahan-dahan ko'ng iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Flare na nakangiti, ngunit bigla din itong nawala.

"Umagang-umaga nakasimangot ka, bes. Smile naman diyan." Sabi ko at naupo.

"Paano ako ngingiti kung yung bestfriend ko ay sobrang nasasaktan." Flare knows everything. Wala naman kasi akong matago sa kanyang sikreto. Sobrang nag-alala nga siya sa akin at the same time sobrang nagalit din. Buti na nga lang at naka out of town ang parents ni Flare, dahil kung hindi pati sila ay mapag-aalala ko pa.

Kagabi ng umalis ako sa bahay ay kung saan-saan nalang ako dinala ng aking mga paa. Para ako'ng isang bata na naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. Hanggang sa makaramdam ako ng pagod at minabuti kong sa bahay na muna nila Flare pumunta dahil hindi ko maatim na makita ang pagmumukha ni Brayden.

Mahirap man aminin, ngunit sobrang awang-awa na ako sa sarili ko. Kung hindi ko lang pinagpilitan ang sarili ko na makasama at mahalin si Brayden ay hindi ako masasaktan ng ganito. Tama nga ang kasabihan na "Nasa huli ang pagsisisi".

"I am okay. At wala ka'ng dapat na ipag-alala. Kaya please, ngiti ka na bes."

Ngumiti naman siya gaya ng sabi ko.

"I hate seeing you crying. And you know that. Kaya please bes, stay away from Brayden." May pag-aalalang sambit niya.

Umayos ako ng upo at hinawakan ang kanyang mga kamay "I will. Thank you so much, bes." Then we hugged each other.

Kahit na iniwan na ako ng mga magulang ko at hindi nabiyayaan ng kapatid, ay sobrang laki ng pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng isang mabuting kaibigan katulad ni Flare.

Humiwalay na sa pagkaka-yakap si Flare. Natawa nalang ako dahil umiiyak pala siya "*sniff * ayan naiyak na tuloy ako *punas ng luha*. Nga pala bes, nag-punta dito sa bahay si tita Hailey kanina at dala niya ang iba mo'ng gamit. Hindi na kita nagising kanina dahil--"

Hindi ko na pinatapos si Flare "Bes!" sigaw ko. Dahil pinag-usapan na namin kagabi na wag na wag niyang ipagsasabi kahit kanino kung nasaan ako. Kahit 'kay Mommy Hailey.

"I'm reall sorry, bes. Sobrang awang-awa lang ako 'kay tita ng tumawag siya kaninang madaling araw. Sobrang nag-aalala siya sayo at panay pa ang hingi niya ng tawad. Kaya sinabi ko na 'kay tita na nandito ka....Sorry talaga, bes. Iniisip lang naman kita, eh...Tsaka nangako naman siya sa akin na hinding-hindi niya sasabihin kahit kanino na nandito ka sa bahay." Mahabang litanya niya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil naiitindihan ko naman si Flare. Kung siya rin naman ang nasa posisyon ko ay gagawin ko din ang kanyang ginawa.

"I understand you, bes. Kaya hayaan mo na 'yon... Ah nga pala, nasaan yung mga gamit ko? Kahapon pa kasi itong suot ko, eh. Ang baho ko na." Natatawang sambit ko at inamoy-amoy pa ang sarili ko.

Nagpunta siya sa may sofa nitong guest room, tsaka kinuha ang isang malaking bag at ibinigay sa akin.

"Hihintayin nalang kita sa baba, bes." Nakangiti niyang sabi. Tumango ako ay nginitian siya pabalik.

I may feel so much pain, but this pain makes me more stronger, I never thought I would be.


-


Dahil weekend ngayon at walang pasok. Kain, nood ng movies at mag-basa sa wattpad, lang ang ginagawa ko. Sobrang naboboring na ako. Wala naman ako'ng makadal-dalan dahil itong si Flare umalis at hindi ko alam kung saan nag-punta. 

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now