Chapter 84

9.1K 227 3
                                    




Flare's POV




After 3 months.




*Tok tok tok*




"Sorry kung nalate ako. Traffic kasi eh." Inilipag ko sa lamesa ang dala ko'ng pagkain at bag ko "Oh hindi ka pa aalis? Baka malate ka na sa meeting mo."




"Ikaw nalang kaya pumunta sa meeting ko. Tapos ako nalang magbabantay kay Ysa." Pagkasabi na pagkasabi nun ni Brayden ay agad ko siyang binatukan.




"Naka-high lang? Bakit ako sekretarya mo? At bakit ako ba may ari ng kumpanya niyo ha? Malay-malay ko ba diyan sa meeting mo. Tsk." Nakakaloka ang lalaking ito. Inayos ko yung pagkain na dala ko, gutom na kasi ako. Pero natapos ko ng iready ang ang mga pagkain ay nakita ko pa din naka-upo si Brayden sa tabi ni Sabel "Hindi ka pa talaga tatayo? Mamili ka aalis ka na o ipupok-pok ko sa matigas mo'ng bungo itong high heels ko." Jusko. Tatanda ata agad ako dahil sa lalaking ito.




"Oo na." Sabi niya at tumayo na. Hinawakan niya ang kamay at mukha ni Sabel "I'll be back, okay. I love you." Hinalikan niya ito sa noo.




"Call me if something came up, okay? Saglit lang naman meeting ko and after that babalik din ako dito." Tumango nalang ako. Ipinagtulakan ko na siya palabas bago pa magbago ang isip niya. Liwasan ang pagbabantay kay Sabel. Nagkataon na weekdays ngayon at hindi naman ako busy kaya ako na itong nag prisinta na magbantay sa kanya. Mamayang gabi pa kasi niyan makakapunta ang parents ni Sabel, parehas kasi silang busy sa kanya-kanya nilang kumpanya. Si Tita Hailey naman ay busy sa pagtuturo kay Brayden kung paano ihahandle ang kumpanya nila.




Pagkasara ko ng pinto ay tumingin ako kay Sabel, na ilang buwan na ang lumilipas pero hindi pa din siya nagigising "Bes, please naman oh. Gumising ka na. Ayokong tumanda agad ang itsura ko dahil sa asawa mo. Alam mo ba'ng lagi nalang ako'ng naiistress sa kanya. Ang kulit-kulit kasi." Bumuntong hininga ako sabay upo sa upuan sa tabi niya.




"Bes, fourth year na tayo oh. And 3 weeks na ang nakakalipas simula ng mag-start ang klase. Hindi ka pa ba gigising ha? Ikaw din, baka mahirapan ka sa pagkuha ng mga subjects natin, worst baka mauna pa kaming grumaduate sa'yo." Ewan ko ba dito ka Sabel at ayaw pa'ng gumising. Nakuha ng magbakasyon at magpasukan pero hindi pa din siya nagigising. Ilang buwan na din ang nakakalipas pero wala pa din nag-improve sa kanya. Ay meron naman pala. Mas obvious na yung umbok ng tiyan niya. 7 months na kasi siyang buntis.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now