Chapter 55

15.1K 318 5
                                    



Uwian na namin at kay Flare ako sumabay. Hihahatid pa sana ako ni Brayden sa bahay ang kaso sinabi ko huwag na. Tutal mag babasketball naman sila ng mga kaibigan niya. 



Pagkadating namin ni Flare sa bahay ay agad ko siyang hinala papasok. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Inopen ko yung fb ko at hinanap yung mga picture na nakita ko kanina. Pagkakita ko doon sa mga picture and daming mga likes, more on angry likes. Tapos ang dami na din ng comment.



"Problema mo, bes?" Nakita ko na palapit sa akin si Flare. Umiinom pa siya ng tubig.



Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko "Kita ng umiinom yung tao eh." Reklamo niya.



Hindi ko siya pinansin. Inalis ko sa lap ko yung laptop at ibinigay sa kanya. Tinignan niya lang ako at nagtataka pa siya. Binitawan niya yung baso sa tabi niya at tumingin na sa laptop.



"Walanghiya! bes, anong kalandian ito?!" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. Kalandian agad? 



Kinuha ko na ulit sa kanya yung laptop "Ang judgmental mo." 



"Eh ano'ng ibig sabihin ng mga 'yan? Bakit iba-ibang lalaki ang kasama mo?"



"Ewan ko. Wala nga ako'ng matandaan na nakasama o nakita ko na 'tong mga lalaki na 'to. Except lang sa dalawang picture na ito."



Yung unang picture. Yun yung kasama ko si Q-- yung bago ko'ng friend. Ito yung time na sabay kaming umuwi. At yung second picture naman ay ito yung time na may lalaking tumabi sa akin na pinahawak yung bulaklak na para sa gf niya. And the rest hindi ko na alam. Seven pictures yon at yun nga iba-ibang lalaki ang kasama ko. Kanina ko pa iniisip kung nakipag-date ba ako kung kani-kanino. Ang kaso wala talaga ako'ng maalala eh. Tsaka hindi naman ako yung klase ng babae na kung kani-kanino nakikipag-date.



"Lagot ka kay Brayden, bes, kapag nalaman niya 'yan."



"Sige manakot ka pa. Eh kaya nga kita isinama dito sa bahay para tulungan mo akong alamin ang mga tungkol sa pictures na ito. Kasi nga hindi ako yang nandiyan sa pictures."



"Hindi daw. Tignan mo nga oh. Kamukhang-kamuha mo yang nasa pictures. Ano 'yon may kakambal ka?" Nakatingin lang siya doon sa mga pictures.



Ang kulit naman ng babaeng 'to. Mas pinaniniwalaan pa yung mga nasa pictures kesa sa akin. Eh hindi nga kasi ako 'yon T_T. Wait. Kung si Flare naniwala agad na ako yung babae sa pictures. Ibig sabihin may possible na paniwalaan din ni Brayden 'yon O.O Wahhh! Hindi pwede 'yon.



Tumayo ako at ginulo-gulo ang buhok ko. Lakad-lakad lang ako at nag-iisip kung paano ko masusulusyunan yung mga pictures. Kung paano ko mapapniwala yung mga nakakita at makakakita na hindi ako ang nasa pictures. Yung dalawang pictures pwede ko pang aminin na ako nga yun. Pero wala namang meaning ang mga 'yon. Si Q friend ko lang naman. Tapos yung isang lalaki hindi ko naman kilala. Kainis! saktong inaabot niya pa naman sa akin yung bulaklak ng makunan yung litrato na 'yon.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now