Chapter 22

21.4K 526 6
                                    


Isabelle's POV


After naming gumawa ng report kanina ay dumaretso ako sa apartment na balak ko'ng tirhan. Gusto ko kasi as soon as possible ay makalipat na ako. Feeling ko kasi ay nagiging sobrang pabigat na ako sa pamilya nila Flare. At sobrang nahihiya na din ako sa kanila.


"2 rooms and 3 bathrooms itong apartment. Maganda pa ang location dahil 15mins away lang ang mall dito. At marami din ang malalapit na lugar na pwedeng pasyalan." Sabi ng land lady.


Kahit unang beses ko palang napuntahan ang apartment na ito ay nagustuhan ko na agad. Dahil bukod sa mga sinabi ng land lady ay malapit din ang apartment na ito sa pinagta-trabahuhan ko. 5 minutes lang ang lalakarin ko. Ang kaso nga lang ay malayo sa school. Pero ok na din dahil mura lang naman ang upa at up and down pa.



"Sige po kukunin ko na, baka maunahan pa po ako." Sabi ko at ngumiti.


"Kailan mo ba balak lumipat? para mapalinis ko itong apartment."


"Bukas po ng hapon." Mabuti nalang talaga at may ipon ako. Kaya naman may magagamit akong pera para sa pambayad nitong apartment. At kahit paano ay makakabili ako ng mga ibang gamit para sa bahay.  Puro damit lang kasi ang meron ako.


-


Ng matapos kaming mag-usap ni aling Helen, ang land lady ng apartment, ay dumaretso na ako sa trabaho ko. 


"Hi guys." Bati ko sa mga katrabaho ko ng makapasok ako sa shop. Binati din nila ako pabalik. Nginitian ko lang sila at nag-lakad na papuntang locker room para maka pag-palit. Pagka-tapos ko'ng mag-bihis, ay agad ko ng pinuntahan ang ibang customers para kunin ang orders nila.


Medyo nahihirapan pa ako sa pag-kuha ng mga orders dahil sumasabay itong sakit ng ulo ko. Muntikan ko pa nga'ng matamaan yung coffee ng isang customer. Buti nalang at agad akong nahawakan ni Maris.


"1 slice of chocolate mousse and Latte." The customer said.


Sinulat ko sa aking hawak na order slip ang sinabi ng customer, tsaka ito inulit. Mahirap na at baka mali ang narinig at nasulat ko. Ayoko naman mapahiya.


"Is that all, ma'am?"



"Yes, that's all." Pag-sangayon ng customer.


Nag punta na ako ng kitchen at inilagay ang order slip. Nag stay muna ako sa isang sulok habang hinihintay matapos ang order. Tutal ay wala pa namang bagong dating na customer. Hinilot-hilot ko pa ang aking ulo dahil hindi pa din nawawala ang sakit.



*ting ting ting*


"Oh, Isabelle, nandiyan ka pala. Ayos ka lang?" Maka-react naman itong si Kuya Paulo parang ngayon lang ako nakita.



"Haha. Oo ayos lang po ako." Sabi ko at kinuha na ang order.


Ang dami ko naman nakain kanina pero nakakaramdam ako ng pagkahilo.



Ng matapos ko'ng ibigay yung order ng customer ay lumabas muna ako para mag pahangin. Sobrang init din kasi ngayong araw, kahit na may aircon yung shop ay medyo naiinitan pa din ako.


Pagka-labas ko agad ako'ng nag-unat, tapos pinag-masdan ko yung mga tao at sasakyan na dumadaan. Hanggang sa may mapansin ako'ng isang napaka pamilyar na kotse sa kabilang daan. Naniningkit ang mga mata ko'ng nakatingin sa kotse. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang hinala ko o hindi.


Yung mata ko lalo pa di'ng naniningkit at pilit na tinitignan kung makikita ko ba ang tao sa loob ng kotse. Ang kaso, walang epekto ang ginagawa ko. Nagmu-mukha lang akong ewan at tanga.


'Aist! Is that really him or not?'


Nalipat lang ang tuon ko ng may mapansin akong kotse na nagpa-park sa harap ng shop. Tinignan ko lang ito, hanggang sa bumaba na 'yung driver.



"Dylan?" Takang sambit ko. Humarap siya sa akin at parang nagulat pa.


"Isabelle, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Pumunta siya sa isang pinto ng kotse malapit sa driver seat at binuksan ito. Lumabas naman ang bunso niyang kapatid na si Kyro.



Ibinalik ko ulit ang tuon ko sa kotse kanina, pero wala na ito. Hinanap ko pa ang kotse sa paligid pero hindi ko na talaga nakita.



Ay di bale na nga. Baka mali lang ang naiisip ko at namamalik-mata lang ako.



May ngiti sa aking labi ng lapitan ko sila. Pagka-lapit ko ay medyo yumuko ako, para pantayan si Kyro. "Hi baby, Kyro." I said and pat his head.



"Hi Ate." He smiled widely and after that he hugged me.



This time umupo na ako para mas pantayan siya "Why so sweet baby, Kyro?" First time lang kasi akong yakapin ni Kyro. And ngayon ko lang pansin na parang ang sweet niya.



"Because... I want to take you on a date." Sabi niya na naka pag pabigla sa amin ni Dylan. Mabuti nalang at wala akong kinakain, dahil panigurado nabilaukan na ako.



Sa sobrang gulat ni Dylan ay naupo din ito at iniharap sa kanya si Kyro.


"You're too young for that, Kyro." Pangangaral ni Dylan sa kapatid.



Kabata-bata palang ng Kyro na ito kung ano-ano na ngang naiisip. Wala pa nga siyang limang taon.



Hindi sinagot ni Kyro si Dylan. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ulit.



"Please... 'cause look ate oh." Sabay pakita sa akin ng kamay niyang may tatak na 3 star "Please ate *puppy eyes*  Promise, I'll be a good boy." Hay. Ang hirap naman hindi-an ang isang napaka cute na batang katulad ni Kyro.


Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya "Sure baby Kyro. Mag-de-date tayo." Sabi ko at pinisil ang magka-bilang pisngi niya. Nagtata-talon naman si Kyro si tuwa.


----------

Bitin at walang kwenta ba? Pasensya na po.  Pasensya na din sa mga nag-babasa kung matagal ang update. Sobrang busy lang talaga. Pero thank you so much pa din sa pag support nitong story ko readers. God bless you all ^___^


PS: Siguro next week pa maka-pag UD ulit si Author T.T Finals na po kasi namin.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now