Chapter 11.2

31.5K 778 22
                                    



Isabelle's POV


"Ang ganda talaga dito sa burnham park." Sambit ko. Nag-lalakad-lakad lang kami ni Brayden dito sa burnham park, na-miss ko kasi'ng pumunta ng baguio kaya ng tinanong ako ni Brayden kung saan ko gusto pumunta ay dito sa baguio ang sinabi ko.

Marami-rami na rin kami'ng napuntahan, kahit na sumasakit na ang mga paa ko sa kaka-lakad ay hindi ko ito iniinda, dahil sobrang nag-eenjoy ako.

"Dapat pala sinama natin si Mommy Hailey tsaka Flare... pati na rin ang mga kaibigan mo para mas masaya." Pero nakaka bitter din ang mga nakikita ko'ng couple dito sa park. Buti pa sila ang sweet, tapos meron pa na may magka-holding hands at naka-akbay pa ang lalaki sa babae.

Walang forever! Mag be-break din sila!

Na-bibitter lang naman ako, dahil kasama ko nga si Brayden, pero hindi naman kami magka-holding hands and hindi rin siya naka-akbay sa akin. Para lang kaming mag-kaibigan na namamasyal. Tapos yung agwat pa namin sa isa't-isa mga 5 inch.

But it does'nt matter. Ang importante masaya kaming nag-mamahalan--Este namamasyal.

"Bago tayo umuwi...gusto ko sana na dumaan muna tayo sa church. Ok lang ba?" Sambit ko na hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Hinihila kasi ng mga tanawin dito sa burnham park ang mga mata ko, eh.

Bigla naman ako nag-taka ng ilang segundo na ang lumipas, pero hindi pa rin nag-sasalita si Brayden. At doon ko lang napansin na kanina pa ako salita ng salita ngunit hindi niya ako sinasagot.

"Uy Bray---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pag-lingon ko ay wala ito sa tabi ko. Hinahanap ko siya sa paligid ng biglang makuha ng atensyon ko ang mga kababaihan habang nag-papa-picture sa isang lalaki, na tuwang-tuwa pa.

Konti na lang ay mag-salubong na ang mga kilay ko sa sobrang inis.

That feeling na dinaig pa ako ng Brayden na ito sa kalandian.

Ng matapos itong makipaglandian sa mga babae ay nag-lakad na ito palapit sa akin.

"What?" Takang tanong niya ng makalapit siya ng tuluyan sa akin.

"What your face!" Sabi ko at ibinato sa kanya ang stuff toy na nakuha namin sa isang arcade na una naming pinuntahan kanina ng makarating kami dito sa baguio.

Hindi ba pwede'ng kahit ngayon lang alisin niya naman pagiging malandi niya? Lalo na at kasama niya ako. Sawang-sawa na nga ako'ng makita ang kalandian niya sa school, at hanggang dito sa baguio makikita ko pa. Kainis talaga siya!

"Hey, Ysa."

Bwisit! Bahala ka sa buhay mo!

Dinadalian ko nalang ang pag-lalalakad ko para hindi niya ako mahabol. Kahit na naririnig ko'ng tinatawag niya ako ay wala ako'ng balak na lingunin siya.

Napatigil ako sa pag-lalakad ng humarang siya sa dinadaanan ko.

"Tabi." Ma-awtoridad ko'ng sambit. Pero hindi siya umalis.

"Okay, sorry na."

"Bakit alam mo ba kung ano kasalanan mo ha?"

"Hindi." Walang alinlangan nitong sagot.

Gusto ko nalang ipukpok sa pader ang ulo ko, dahil sa sagot niya. Seriously? Hindi niya alam kung ano kasalanan niya? Juscoloured! Semento lamunin mo nalang ako, pwede?

"Bakit ano ba ang kasalanan ko? Dapat nga ako 'tong magalit, dahil ibinato mo itong stuff toy sa akin, tapos nag-walk out ka pa na parang ewan."

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now