Chapter 70

12.6K 258 0
                                    




Isabelle's POV



Kagabi ng maka-usap ko si Mama Laila ay sinabi niya na sa akin ang lahat. At ng maka-usap ko si Brayden kanina ay sinabi na din daw sa kanya ni Mommy Hailey ang lahat. Natatawa na nga lang kami sa pinag-mulan ng pag-aaway nila eh. Hindi ko nga alam kung makaka-uwi na kami ngayon. Dahil kaninang mag-almusal kami ay hindi pa din nag-uusap mga nanay namin. Balak kasi namin ni Brayden na once na nagka-ayos na sila ay uuwi na kami.




"I can't believe it. Dahil lang sa isang lalaki ay sinira nila ang pagkakaibigan nila."




"Yeah me too." Sangayon ni Brayden.




Hindi ko nga naiisip na ang dahilan ng pag-aaway nila ay dahil lang sa lalaki. Ni hindi nga sumagi sa isip ko 'yon. Tapos kagabi laking gulat ko nalang ng sabihin nga sa akin ni Mama Laila na lalaki ang pinag-mulan ng pag-aaway nila. At ang mas nakakagulat pa ay ang lalaking pinag-aagawan nila noon ay ang tunay ko'ng ama. Ang gwapo naman ng tatay ko para pag-agawan nila. 




"Pero hindi ka ba galit kay Mom?" Tinigil ko 'yong pagtutupi ko at hinarap si Brayden. 




"Nope. Alam mo ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Meron talagang mga taong nabubulag sa pag-ibig. At pag yung taong sobrang mahal mo ay nakita mo'ng masaya sa ibang babae o lalaki. Syempre iisipin mo nalang 'non na hindi sila pwedeng maging masaya. Kaya gagawa ka ng paraan para masira ang relasyon nila." 




"Pero dahil sa mommy ko. Kaya nasira ang pamilya niyo ni Tita Laila. At kung bakit ka nawalay sa kanila." 




Matalik na magkaibigan noon si Mama Laila at Mommy Hailey. Tinuring na din nila ang isa't-isa na tunay na magkapatid. Then one day, dumating sa buhay nila 'yong tunay ko'ng tatay. And parehas nila itong minahal. Pero ng malaman ni Mama Laila na sobrang mahal ng kaibigan niya ang tatay ko, ay siya na itong nagpa-ubaya. Ang kaso, mas mahal naman ng tatay ko si Mama Laila at mahal din naman ni Mama Laila ang tatay ko. Naging sila at sinekreto na muna nila ito kay Mommy Hailey at sa parents ni Mama Laila. Ayaw daw kasi ng parents ni Mama Laila doon sa tatay ko. Mahirap lang daw kasi. Bumebwelo sila kung paano ito sasabihin. Pero bago pa nila masabi ay nalaman na ni Mommy Hailey.




Nagpakalayo-layo ang mga magulang ko. Pumunta sila sa isang probinsiya at doon nanirahan. At doon din ako nabuo. And ng dumating na ang araw na ipapanganak na ako ay natunton sila ng grandparents ko. Of course they did everything para paglayuin sila. Sabi pa ni Mama Laila, kaya daw hindi niya ako nakasama dahil nga pinalabas na patay niya akong ipinanganak. Kung maaga nga lang daw niya nalaman na buhay pa ako, ay hindi aabot ng 18 years ang pagkakawalay ko sa kanya. Yung tatay ko naman daw ay wala na. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng 'wala na' kung patay na ba o nagpakalayo-layo lang. Hanggang ngayon ay wala daw siyang balita sa tunay ko'ng tatay kung nabubuhay pa ba ito sa mundong ibabaw.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now