*Tok tok tok*




"Kamusta na ang pakiramdam mo Ms. Villanueva?" Tanong ng doctor na kakapasok lang.




"Maayos naman po. Uhm, doc kailan po ba ako makakalabas ng hospital?"




"Well, bukas na bukas din ay pwede ka ng makalabas." Sambit ni doc na nakapag pangiti pa sa akin lalo.




"Talaga po!?"




"Yes. Dahil maayos at maganda ang mga results mo. At wala naman kaming nakikita na problema sa katawan mo. And as we can see you really look okay, mukhang hindi ka man nga nanggaling sa pagkaka-comatose. You're very strong Ms. Villanueva."




"Thank you po, doc." Salamat naman at makakalabas na ako bukas dahil bagot na bagot na ako dito at excited na din akong gawin yung mga hindi ko nagawa. Buti nga at hindi na ako masyadong nahihirapan gumalaw dahil inalis na ang dextrose ko.




"Wow naman ate, you're one of a kind. Siguro kung ako yung nasa sitwasyon mo baka hindi ko na kinaya 'yon."




"Kung pursigido kang balikan yung mga mahal mo sa buhay, hindi ka dapat basta-basta susuko."




"Ah, Mama Laila, si Tito Yves po pala? Ay este si Papa Yves po hehe." Parang ang awkward naman. Dati Sir, Mr., at Tito ang naitatawag ko ngayon Papa Yves na.




"Ikaw talaga, dapat masanay ka ng tawagin siyang Papa ah. Nag-text na siya at sinabi niyang papunta na siya."




"Opo."




"Mabuti pa at kumain ka na muna, mamaya ka na makipag-laro sa anak mo." Inilapag ni Mama Laila ang tray na may pagkain sa hospital bed ko at tsaka niya kinuha sa akin si Letitia.




***

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now