Nababaliw?! Multo?! Hindi ako nababaliw at mas lalong wala akong kaibigan na multo, dahil hindi naman multo si Ysa. Totoo siya at buhay na buhay. Kaya impossible rin itong sinasabi ng maid namin.




Natigil 'yung maid sa pagsasalita ng lumapit ako sa kanila ni mom "Hindi mo ba nakita?! Ysa was with me that time! Siya ang kasama ko, at hindi multo! Siya ang katawanan ko at sinusubuan ko ng pagkain. Hindi multo!"




"S-sir, wa-wala naman po kayong kasama, ba-baka kaluluwa na po ni Ma'am Ysa 'yon. Sabi po kasi noon ng lola ko, nagpapakita ang kaluluwa ng isang tao sa kanyang pamilya o mahal kapag ito'y mamamaalam na."




Gulat ang bumakas sa akin. Ramdam ko na nanginig ang buong katawan ko at nanghina ang aking tuhod. Naluha na ako ng tuluyan dahil sa aking mga narinig.




"Anak, there is no time. Kailangan na natin pumunta ng hospital."




-




Mabilis kaming nagpunta ni mom sa hospital. Sinabi niya sa akin na tumawag sa kanya si Tita Laila, at sinabi nitong may nangyaring hindi maganda kay Ysa.




Ayaw ko'ng tanggapin na lahat ng mga ginawa ko kanina, kasama si Ysa ay naglaho ng parang isang bula dahil hindi naman pala ito totoo. Mga akala na naging isang maling akala. Kasiyahan na napalitan rin agad ng lungkot. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung paano ko pa pipilitin labanan at tiisin ang sakit na nararamdaman ko.




"Time of death, June -- 11:45pm." Ang mga salitang ito ang bumungad sa akin ng makapasok kami ni mom sa hospital room ni Ysa. Nakita ko ang mga babaeng kaibigan namin ni Ysa na humagulgol na ng iyak. Pati ang mga lalaki ay naiyak din. Si Tito Yves ay kino-comfort ang humahagulgol na si Tita Laila at Rhaine. Narinig ko naman si mom sa likuran ko na umiiyak na din.




"No!!!! Ysa!!!!" Sigaw ko. Lumapit ako sa walang buhay na si Ysa at niyakap siya ng mahigpit "Please, Ysa! Huwag mo naman gawin sa akin 'to! Gumising ka naman! Hindi mo ako pwedeng iwan! Ysa please wake up!"




Lalo akong naluluha, dahil kahit anong pakiusap ko ay hindi siya nagigising.




"Are you really that tired, Ysa? Ganyan ka na ba kapagod kaya iiwan mo na ako? Paano na ako? Paano na ang kambal natin? Paano na kaming mga mahal mo sa buhay?"

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu