"How? Kahit bali-baligtarin natin ang mundo, kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nagtangka si Shaina na patayin si Ysa, at ang idamay ka..."




"It's not your fault Brayden! She became obsessed to you, to the point na gusto niyang patayin ang mga taong sagabal para hindi mo siya mahalin. At kung may dapat mang sisihin dito, ako dapat 'yun. I know how much Shaina likes you. Pero anong ginawa ko? Nakipag-kaibigan pa din ako sa kanya. Ipinamukha ko pa sa kanya na never mo siyang magugustuhan, dahil sabi ko akin ka lang... Pero noon 'yon."




"Noon?"




"Yhup. Matagal na akong sumuko sayo Brayden, but I'm still in the middle of moving on. Dahil alam ko'ng wala na talagang pag-asa na maibalik ko pa ang dati kung anong meron tayo, kaya ayan move on na ang peg ko. And it's my fault din naman. Ako itong nagloko. I even pushed you to be a bad boy."




Lets just say na bago ko makilala si Seraphina ay good boy ako, pero boring yung life ko. School-bahay lang ako noon. Then ng makilala ko si Seraphina, she became my first love. 2nd year high school palang kami noon. Nag confess ako sa kanya, kaso busted agad. Kasi ayaw niya sa isang boring na lalaki. Nalaman ko na type niya pala yung lalaki na may pagka badboy. Dahil nga first love ko siya, nagpaka bad boy ako. At doon ko nakilala ang dalawa ko'ng kaibigan, they help me how to become a bad boy.




Nang muli kaming magkita ni Seraphina, nag confess ako ulit. At agad niya din akong sinagot. Kasi hindi na daw ako 'yung Brayden na una niyang nakilala, 'yung boring ang buhay. Pero kahit na naging bad boy ako, loyal naman ako noon. Hindi ko nagawang tumingin sa ibang babae. Nagka problema nga lang ang relasyon namin ng malaman ni mom ang dahilan kung bakit bigla akong nagbago. Galit na galit siya kay Seraphina, ayaw niya nga itong nakikitang pumupunta sa bahay, ni hindi niya din ito kinakausap ng maayos. Kaya kapag magkikita kami ako nalang ang pumupunta sa bahay nila, o kaya naman pupunta kami sa bar. Muntikan na nga akong itakwil ni mom, ng hindi ko sundin ang utos niya na hiwalayan ko si Seraphina.




Naghiwalay lang kami ni Seraphina ng makita ko siyang may kahalikan na lalaki, sa bar na lagi naming pinupuntahan. Agad-agad akong nakipag break nun, dahil syempre sobrang nasaktan ako. 'Yung pagka-loyal ko nawala, naging playboy ako. Kasi para sa akin, dapat lang masaktan, lokohin at paglaruan ang mga babae... Pero! Noon na 'yon. I've already changed.




"That's good to hear. I know you can find the right man for you." Nag-ngitian lang kami ni Seraphina.




Tumayo na siya at kinuha ang bag niya na nakapatong sa lamesa "Oh, gusto ko lang ipaalala sa'yo na 'yung mga anak mo, naipanganak na. Napaka supportive dad mo no? Tama ba na tumakbo ka paalis at hindi mo man lang inalala ang mga anak mo. Tsk! Tsk! Isusumbong talaga kita kay Isabelle, tignan ko lang kung hindi ka i-torture nun kapag nagising siya." Sh*t! Oo nga pala. Wala na sa sinapupunan ni Ysa ang kambal namin. Dahil sa nalaman ko'ng bad news, kaya biglang nawala sa isip ko ang kambal namin. Ang sama ko'ng ama naman.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now