"Bes... Sobrang miss na miss na kita. Namiss ko na din 'yung bonding nating dalawa. Alam mo ba nung may time na gusto ko'ng umiyak kasi heartbroken ako, wala akong malapitan. Kasi 'di ba kapag umiiyak ako ikaw lang itong nilalapitan ko, pero dahil nandito ka sa hospital at ang sarap ng tulog. Pinilit ko nalang na pigilan 'yung mga luha ko. Hindi kasi ako sanay na umiiyak ako ng wala ka sa tabi ko, lagi mo kasing pinapagaan ang loob ko kahit na konti nalang ipamukha mo na ng bonggang-bongga yung mga payo mo sa akin." Pinilit ko'ng magsalita ng normal. Kahit na parang may bumabara na sa lalamunan ko. I tried to smile too, but it didn't work. Pinangunahan na naman ako ng mga luha ko.




"Aish! Bes gumising ka na kasi, pinapaiyak mo na naman ako oh." Pinipilit ko lang ngumiti habang pinupunasan ang mga luha ko "Alam mo ba bes, matutuwa ka ng sobra kapag nagising ka na. Ang dami ko'ng ikukuwento sa'yo, na siguradong ikagugulat mo. At panigurado kapag nagising ka na makukumpleto na ang pamilya mo. Dahil makakasama mo na din ang daddy mo. Kaya please bes. Laban lang. Huwag ka'ng bibitiw. Alam ko'ng matapang ka at kaya mo'ng labanan si kamatayan."




Lahat kami hindi nawawalan ng pag-asa na magigising pa si Sabel, kahit na sinabi na ng doctor na may pagkamalabo ng magising siya dahil hindi nagreresponse ang katawan niya sa lahat ng test na ginagawa sa kanya.




"Hi." Napunasan ko agad ang mga luha ko ng may marinig akong tinig. Pagtingin ko ay nakita ko si Seraphina na nakatayo sa may pintuan. 2 weeks after the incident ay nakalabas na ng hospital si Seraphina. And now she's okay and we're okay, pero hindi pa kami friends.




"Psh. Wala na naman ang Brayden na iyon dito. Balak niya ba talagang taguan nalang ako?" Naka-crossarms pa si Seraphina. Ako naman ay natawa nalang. Ito kasing si Brayden, ni minsan hindi pa kinausap si Seraphina at hindi pa din siya nagpakita dito. Ang reason niya? Wala daw siyang mukhang maihaharap kay Seraphina at sa parents nito "Dapat nga sa parents ni, Isabelle, siya mahiyang magpakita. Because Isabelle is the one who's suffering here." Namuntikan ng mamatay ang babaeng ito, pero 'yung pagiging mataray niya hindi pa din naaalis.




"Kausapin mo nalang mamaya, o kaya surpresahin mo. He has no idea that you're coming today. Kaya paniguradong magkaka-usap na kayo." Twice or thrice a week dinadalaw ni Seraphina si Sabel. Hinayaan na namin siyang dalawin si Sabel, dahil mukhang nagbago na nga talaga siya. At wala naman siyang ginagawang masama kay Sabel sa tuwing silang dalawa lang sa kwarto.




Napatango nalang si Seraphina. Inilagay niya sa vase 'yung mga bulaklak na dala niya at inayos ito. Nag ring bigla ang phone ko kaya naman sinabihan ko si Seraphina na siya muna ang bahala kay Sabel. Lumabas lang sa kwarto. Habang busy ako sa pakikipag-usap kay daddy ay biglang bumukas 'yung pinto. Napatingin ako kay Seraphina na parang takot na takot, na hindi mo maintindihan.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt