"Ay nako. Oras na. Halika na baka malate na tayo." Nauna na siyang maglakad sa akin. Naiiling ay napangiti nalang ako sa asal niya. Mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung ano ba talaga ang dahilan ng nangyari sa kanya kahapon. 'Di bale na kukulitin ko na lang siya hanggang sabihin niya sa akin.




-




Nandito lang ako sa labas ng room nila Ysa. Hinihintay ko lang siya dahil lunch time na.




"Sabi ko naman kasi sayo mauna ka na sa cafeteria e." Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader at hinarap si Ysa ng nakapamulsa.




"Gano'n din 'yon. Maghihintay pa din ako doon. Tsaka ayaw mo ba yon sabay tayong pupunta sa cafeteria." I said and winked to her.




"Ito talagang love birds na ito. Kung saan saan nalang nagpapakita ng kalandian." Sabi ng bitter na si Sebastian.




"Oo nga." Sang-ayon ng tatlo pang kaibiga ni Ysa. At pati din pala ang mga kaibigan ko ay naki-sang-ayon.




"Si Brayden lang naman itong malandi no. Huwag niyo akong idamay." Ouch. Tagos hanggang kalamnan ko yun ah.




Hindi ba pwedeng kahit 4 months palang ang kambal namin sa tiyan ni Ysa ay ipanganak na niya ito? Lagi nalang kasi akong nasusungitan. Pag lalambingin ko maiirita naman siya parang ngayon lang oh.




"Ano ba. Sabi ng huwag kang umakbay eh. Naiirita nga ako." Inalis niya yung pakaka-akbay ko sa kanya at biglang umusog.




"Nilalambing lang naman kita eh."




"Huwag mo akong lambingin dahil yung lambing mo nakaka-irita." Mukha ngang iritang-irita na siya. Konti nalang suntukin niya na pagmumukha ko eh.




Hindi ko na tinuloy ang paglalambing ko sa kanya. Nag pangalumbaba nalang ako habang hinihintay ang mga kaibigan namin na makabalik sa table namin. Mahirap na at baka masuntok nga ako.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon