"Mama Laila, naiintindihan ko naman po 'yon. Pero hindi niyo pa din po kami dapat pinangunahan ni Brayden."




"Hayaan mo na 'yon. Atleast nakatipid tayo 'di ba." Siniko ko naman yung tiyan ni Brayden. Bwisit 'to.




"Ang kuripot mo no. Tsk." Pero wala na din naman kaming magagawa. Alangan naman na ipasauli pa namin yung pinamili nila Mama Laila. Nasayang na nga pera at pagod nila. Tapos hindi pa namin tatanggapin "Basta po next time hayaan niyo na po kami ni Brayden ang bumili ng gamit para sa kamabal namin ha?" Nawala na yung lungkot sa mukha ni Mama Laila at Mommy Hailey.




Ibinaling ko ulit yung tuon ko kay Brayden "Umpisahan mo ng mag-ipon ha." Inirapan ko na siya at tumulong sa pagdala ng mga gamit sa isang guest room dito sa bahay.




-




Brayden's POV




Ganon ba talaga pag buntis, laging mainit ang ulo? Ang bipolar pa. Magagalit tapos ilang minuto lang parang walang nangyari. Ganon kasi si Ysa eh. Ang init ng ulo sa akin. Kahit wala akong ginagawa naiinis siya sa akin. Ang sensitive pa.




Valentines day ngayong araw. Pero itong si Ysa. Hindi ako kinakausap. Ewan ko ba kung bakit. Sa pagkakatanda ko nga wala naman akong ginawang masama.




Dahil nga Valentines. Walang klase ngayong araw. Pero nandito kami sa school para sa event. Marami na namang booth ngayon dito sa school quadrangle. Love booths kung tawagin nila. Tsk daming alam eh. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa school pero hindi ko pa din mahanap si Ysa. Tinaguan na yata ako. Nakapatay pa man din yung phone niya. Hindi ko din naman ma-contact yung mga kaibigan niya.




Lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa nakita ko na siya sa school hallway. At may kausap pang lalaki. Lumapit ako sa kanila at inakbayan ko si Ysa. Tsk. Yung Q pala to na kaibigan niya.




"Problema mo. Maka-akbay ka ah." Sungit talaga oh.




"Ikaw nga dapat ko'ng tanungin kung anong problema mo eh. Mga nakaraang araw kahit naiinis ka sa'kin nagbabati naman tayo agad. Pero ngayon bigla ka nalang nagalit sa akin. Tapos tinataguan mo pa ako." Aba I need explanation ah. Baka mamaya mabaliw na ako kakaisip kung ano ba yung ginawa kong kasalanan. Ang mas masaklap wala naman pala akong ginawa tapos isip ako ng isip ng ikinagagalit niya.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now