Ang baliw talaga nun.




-




10 minutes nalang before 6pm. Ayos na ang lahat at si Mommy Hailey at Mama Laila nalang ang kulang.




"You look very gergeous on that dress." Niyakap ako ni Brayden mula sa likuran ko.




"Kailangan ko ba talagang mag-suot ng ganito? Pwede namang pants and shirt nalang ang isuot ko." Yung suot kong dress is yung binili sa akin ni Mommy Hailey noong nag-mall kami ng kaming dalawa lang. Kung hindi lang ako pinilit nitong si Brayden hindi naman ako mag-susuot ng dress -.-




"Ayan ka na naman. Minsan ko na nga lang makita kang mag-dress. Ayaw mo pa."




"Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako komportable." Konti na nga lang ay mapunit na itong dress dahil sa kakahila ko.




*Ding dong*




Nagkatinginan kami ni Brayden. Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin at tumakbo papunta sa pinto.




"Hai. Mommy Hailey." Niyakap ko siya at nakipag-beso.




"Wow. You're so gorgeous anak." She looked at me from head to toe.




"Thanks po."




Lumapit din si Brayden kay Mommy Hailey at kiniss siya sa pisngi. Inaya ko na sa loob si Mommy Hailey pero wala pa din siyang kaalam-alam na may isa pang dadating. Hindi pa kami nag-start kumain. Mabuti nalang at nadaan namin sa pakikipag-kwentuhan itong si Mommy Hailey. At hindi naman siya nagtataka kung bakit hindi pa kami nagsisimulang mag dinner.




Nang tumunog ulit yung doorbell ay mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now