"Sure. Kailan ba?"




"Hmmm. This coming weekend." Sumangayon naman si Brayden. Paniguradong magkakasundo si Mama Laila at Mommy Hailey neto.




"Pinapaalala ko lang na ngayong araw ko tuturuan yung pinsan ni Q ah."




Sumubo muna na siya ng ilang beses sa pagkain niya bago niya ako sinagot "Basta ihahatid kita sa bahay ng mokong na 'yun."




"Oo na." Sabi ko at pinagpatuloy na namin ang pagkain.




-




"Ah Isabelle, mag miryenda ka muna." Inilapag ni Q ang isang plato na may tinapay at isang basong juice.




"Thanks."




Halfday lang kami ngayong araw. Kaya naman pagkalabas namin ay dito ako sa bahay nila Q dumaretso para umpisahan ang pagtuturo sa pinsan niya. Alam ko na din naman ang tinutuluyan niya dahil pinapunta niya na ako ng isang beses sa bahay. Walang meaning yung pagpunta ko sa bahay nila. Sadyang friends na talaga kami. At Mabuti na nga lang itong si Brayden ay hindi na katulad ng kahapon.




"Thank you pala sa pag-payag mo ha. At sorry mukhang dahil sa akin nag-away pa kayo nung boyfriend mo kahapon."




"Ok lang 'yon. Tsaka huwag mo siyang masyadong isipin talagang may sayad lang sa utak 'yon."  Nginitian ko siya at nginitian din niya ako pabalik.




Itong si Q, mabait, gwapo, matalino at higit sa lahat boyfriend material. 'Yan yung nakikita ko sa kanya pero wala akong pagtingin sa kanya. Oo may gusto ako sa kaniya. Pero as a friend lang. Parang kay Dylan lang. As a friend lang din turing ko sa kanya kahit pa naging crush ko siya.




Nandito lang kami sa sala ng bahay ng ate ni Q. Tinuturuan ko lang ang pinsan niyang si Venus. Si Q naman ay naka-upo lang sa sofa at pinapanood kami.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant