"Ayan ka na naman eh. Hindi mo na naman siya pinapansin." Bulong ko.




"Eh sa kumukulo yung dugo ko pag nakikita ko siya."




"Kaartehan mo no. Wala naman ginagawa yung tao sa'yo." Hinayaan ko nalang si Brayden na kumain "Ah Q, upo ka." Tinuro ko yung space sa tabi ni Amber. Naupo na siya at ngayon magkaharap kami. Malaki naman kasi itong table namin. Good for 10 persons.




Close na itong mga kaibigan ko kay Q. Except lang talaga dito kay Brayden. Ewan ko ba kung bakit. Noong ipakilala ko sa kanila si Q. Nag-walk out si Brayden. Ang dahilan niya hindi daw siya interesado. Tapos pag makikita namin si Q o kaya kasabay namin sa pagkain. Sasabihin niyang kumukulo ang dugo niya. Parang ngayon lang. Ganito lagi si Brayden lalo na lagi naming kasabay kumain si Q. 




"Nga pala, Isabelle. Di ba nabanggit mo na sa akin once na nag-journalism ka? Okay lang ba kung turuan mo yung pinsan ko? Si Venus. Lalaban kasi siya next year. Eh wala pa akong nakikita na pwedeng magturo sa kanya." Sasagot palang ako ng unahan ako ni Brayden.




"Eh bakit siya pa ha? Tsk. Siguro pumoporma ka lang kay Ysa no. Pwes para sabihin ko sa'yo taken na siya at hindi mo siya makukuha sa akin."




Pinalo ko yung hawak kong kutsara sa ulo ni Brayden dahil sa ka OA-yan niya "Aray. Bakit?"




"Huwag mo akong ma bakit-bakit. Magtigil ka nga. Baka ipakin ko ng buo sa'yo itong pinggan ko." Nilingon ko naman si Q "Oo naman. Kailan ba?"




"Bukas sana. Don't worry hindi naman everyday eh." Maganda to. Ang tagal na din simula ng magamit ko yung galing ko sa journalism. Sana nga lang hanggang ngayon marunong pa din ako.




"Ok sure."




"Pero--"




"Manahimik ka. Kung ano-ano na naman niyan iniisip mo. Bata ang tuturuan ko ok." Minsan talaga hindi ko na alam kung anong iniisip ng Brayden na ito.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now