Bigla ako'ng napapikit ng makita ko'ng akmang sasampalin niya ako.


Ano ba yan. 'Yong kay Shania noon naagapan ko, pero bakit sa isang 'to bigla ako'ng napapikit. Ibig ba'ng sabihin gusto ko'ng magpasampal? Ay no way. Pero bahala na kung dumampi ang kamay niya sa pisngi ko. Dahil gaganti naman ako. Doble pa ang sakit no'n sa ginawa niya.


Siguro malapit ng mag-isang minuto pero wala pa di'ng dumadampi na palad sa aking pisngi.


Dahan-dahan ko'ng idinilat ang isang mata ko at nagulat ako ng may lalaking nakatayo sa harap ko. Mas nagulat pa ako ng kunin nito ang isang kamay ko at hinila ako paalis doon sa mga babae.


Hawak-hawak niya pa din ang kamay ko. Gusto ko'ng hilain ang kamay ko pero hindi ko magawa. Ayaw mag sink-in sa utak ko kung sino itong taong humihila sa akin.


Nakarating kami sa rooftop. Hawak niya pa din ang kamay ko pero hindi siya nagsasalita. Nakatalikod pa din siya sa akin.


Doon ko na nagawang hilain ang kamay ko. Nag-umpisa na ding may mamuong galit sa puso ko "What do you want, Brayden?!"


Gano'n pa din ang position niya. Hindi siya gumagalaw kahit ang sagutin ang tanong ko ay hindi niya ginawa.


"Alam mo gago ka talaga eh. Hihilain mo ako papunta dito pero hindi mo naman sasabihin kung ano ang kailangan mo." I'm just trying to calm myself. Dahil sa totoo lang gustong-gusto ko na siyang itulak mula dito sa roof top "Ah alam ko na. Siguro ginawa mo 'yon para lalo ako'ng pag-initan ng mga fan girls mo. Eh bakit hindi mo nalang kaya ako patayin. Kesa naman sa araw-araw mo'ng pinaparanas ang impyerno sa akin..."


Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng isa-isa na itong nagsilabasan sa aking mga mata "Ano ba'ng ginawa ko sa'yo para ganito ang iganti mo sa akin ha?! Bakit ba ang sama-sama mo?! Bakit ba ang sama-sama mo sa akin?!! Ganito mo ba patunayan na mahal mo ako ha?!"


Napakasama ko ba'ng babae para danasin ko ang mga ganito? Why am I always having so much heartache, pain and trials? Hindi ko na alam kung paano ko pa lulutasin ang mga ito.


Finally, I heard him took a deep breath "I-im really sorry." He's voice is breaking.


"Fvck your sorry!" Tinalikuran ko na siya. Ayoko na. Suko na ako. Kung kinakailangan na lumipat ako ng school o magpakalayo-layo gagawin ko. Pagod na ako sa mga paghihirap na dinadanas ko.


Nagulat ako ng bigla ko'ng maramdam na nasa likod ko na siya at nakayakap sa akin.


"I'm really really sorry, Ysa. Sorry kung napaka duwag ko at hindi kita kayang ipaglaban. Sorry dahil wala man lang ako'ng nagawa para ipagtanggol ka sa mga taong umaapi sa'yo. Sorry for being so much stupid--" I cut him off. Inalis ko ang mahigpit na pagkakayakap niya sa akin tsaka ko siya itinulak palayo sa akin.


"Do you have any idea how I tried to be strong huh? Pinilit ko kayanin lahat ng mga ginagawa ng mga estudyante sa akin dito. Even though it feels like they're trying to kill me...You said you're going to court me. And I said yes. You know why? 'Cause I still love you...Pero sa simpleng oo na sinabi ko sa'yo ay dinala mo lang pala ako sa kapahamakan!"

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now