Bumalik na sa klase 'yong tatlo at ako naiwan dito para bantayan si Isabelle. Hinihintay ko nalang na magising siya para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.


Narinig ko na bumukas 'yong pinto kaya akala ko bumalik 'yong tatlo. 'Yon pala hindi.


"Ano ginagawa niyo dito?" Masungit ko'ng tanong sa dalawang kaibigan ni Brayden.


"Nalaman kasi namin ang nangyari kay Isabelle. Kakamustahin lang namin siya." Sabi ni Matthew.


"Pwes, para sabihin ko sa inyo hindi siya okay! At kasalanan 'yan ng magaling niyong kaibigan!" Nanlilisik ang aking mga mata habang dahan-dahan akong naglalakad palapit sa kanila. Sila naman ay umaatras "Sabihin niyo diyan sa Brayden na 'yan. 'Wag na 'wag siyang mapapakita sa akin at 'wag na 'wag na din siyang lalapit sa kaibigan ko. Dahil sa oras na makita ko siya. Hindi ko magdadalwang isip na ilibing siya ng buhay kasama ang mga baliw niyang fans! Naiintindihan niyo?!!" Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin at halatang takot. Nakita ko pa silang napalunok.


"Sabihin niyo 'yan sa kanya ha!" Tumango-tango silang dalawa. Tapos ay lumabas na sila ng clinic.


Pagkalabas nila ay binalikan ko na si Isabelle.


-


Isabelle's POV


Kinabukasan....


Sobrang sakit ng ulo ko pag-kagising ko. Parang biniyak sa sobrang sakit. Naupo ako at nagtaka ako ng mapansin ko na nandito ako sa kwarto ko.


Wala ako'ng ideya kung paano ako nakauwi dahil wala ako'ng matandaan sa nangyari.


Tumayo na ako at nag-punta sa banyo. Kailangan ko pa kasing pumasok sa school.


After I took a shower. Nagbihis na ako. Nakita ko bigla sa salamin 'yong mga mata ko'ng namumugto. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin at doon biglang bumalik sa utak ko ang mga nangyari kahapon. Napaluha nalang ako ng maalala ko ang ginawa sa akin. Naramdaman ko na naman ang takot.


'Sana papalng hindi ko na tinignan ang sarili ko sa salamin. Nang sa gano'n ay kahit paano ay makalimutan ko ang nangyari kahapon.'


Pinunasan ko ang aking mga luha at kinuha ang aking mga gamit, tsaka na bumaba.


Pagbaba ko ay nagulat ako ng maabutan ko ang mga kaibigan ko na busy sa pagluluto.


"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Napatigil naman sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Sabay-sabay na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.


"Bes, okay ka na ba ha?"


"May masakit ba sa'yo, Isabelle?" Amber.


"Naaalala mo na ba kung ano ang nangyari sa'yo kahapon, ha?" Cleo.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin