-


Amber's POV


Matatapos nalang ang third subject namin pero itong si Isabelle ay hindi pa bumabalik. Nababahala na ako.


Ano ba ang dapat ko'ng ikabahala? Eh si Ms. Rebecca lang naman ang naman ang kasama niya, at mabait naman siyang professor.


Pero bakit naman sobrang tagal naman ata nilang mag-usap? Hindi naman ugali ni Isabelle ang mag-skip ng class. Depende nalang pag may emergency siya o masama ang kaniyang pakiramdam.


Hay. Wala naman sigurong nangyari na masama sa kanya.


Isinantabi ko nalang muna ang pag-aalala ko kay Isabelle. Tutal ay ilang minuto nalang ay tutunog na ang bell at paigurado ay makikita namin si Isabelle na maayos ang kalagyan. Hindi ko din kasi maiwasan na hindi mag-alala dahil sa mga estudyante na nambubully sa kanya. 


Katulad ng sabi ko ay tumunog na nga ang bell. Nauna na kaming lumabas ng mga kaibigan ko para hanapin si Isabelle. Hindi naman namin siya ma-contact dahil nasa bag niya ang kanyang phone.


"Ayun si Ms. Rebecca oh." Sinundan ko kung saan nakaturo 'yong daliri ni Cleo. At nakita ko si Ms. Rebecca na naglalakad.  


Tumakbo kami papunta sa kaniya at tinanong namin kung nasaan si Isabelle. Dahil paniguradong siya naman ang last na kasama ni Isabelle.


"Ano po?!" Gulat naming sambit ng mga kaibigan ko ng sabihin sa amin ni Ms. Rebecca na hindi niya makausap si Isabelle. Ni hindi niya nga pa din daw ito nakikita ngayong araw.


"May problema ba?"


"Ah wala po, Ma'am. Sige po thank you." Sabi ko. Ngitian lang kami ni Ms. Rebecca at naglakad na paalis.


Ugh! Ang gulo. Paano nangyari na hindi sila nag-kausap? Samantalang sinabi palang ng estudyante kanina na hinahanap ni Ms. Rebecca si Isabelle. 


There is something fishy going on here. And we need to find it out. Dahil mukhang kagagwan na naman ito ng mga nambubully kay Isabelle.


Maglalakad na sana kami para hanapin si Isabelle ng may magsalita mula sa likuran namin. At pagharap namin ay nakita namin ang babaeng nagpunta sa room kanina.


"Ikaw. Ikaw 'yong babae kanina. Ang sabi mo hinahanap siya ni---" Hindi na natapos si Cleo ng magsalita ang babae.


"A-ako nga. A-alam k-ko kung nasaan siya." Hindi ko alam kung nahihiya lang ba siyang kausapin kami o sadyang may hindi lang talaga tama sa nangyayari.


*fast forward*


Nang sabihin ng babae kanina kung nasaan si Isabelle ay agad kaming pumunta sa sinabi niya. Lalo pa at sinabi niyang nandoon si Isabelle sa 5th floor. At doon ko na napatunayan na may mali ng talaga...na hindi basta-basta ang pagkabahala ko kanina.


"Heto na... 'yon." Hingal na sabi ni Sebastian ng makarating kami sa old room na sinabi sa amin.


Hindi pa man kami nakaka-pasok sa ay nakarinig na kami ng hikbi mula sa loob.


"Isabelle?" Sabi ko. Dahan-dahan ko'ng binuksan ang pinto. Hindi ko makita si Isabelle dahil ang dilim sa loob kaya naman sinindi ko ang flashlight ng aking phone.


Kinakabahan na ako lalo pa at hindi sumasagot si Isabelle. Tanging mga pag hikbi lang ang naririnig namin. 


"B-baka naman wala si Isabelle dito.  Alis na tayo, nakakatakot eh." Ikinapit ni Sebastian ang mga kamay niya sa braso ko tsaka ako hinihila palabas.


"Pwede ba tumigil ka nga." Inis ko'ng sabi. Hinila ko ang braso ko pero kumapit siya ulit.


Bwisit talaga ng Sebastian na ito. Ang lakas lumandi pero napaka-duwag naman.


"Wahhhhh!" Parehas kaming nagulat ni Sebastian ng marinig namin si Cleo na sumigaw. Inilawan ko kung saan nanggagaling 'yong sigaw. Nakita namin si Cleo na naka-upo sa sahig at nakatakip ang mukha.


"Napano ka?" Tanong ko ng makalapit kami sa kanya.


"M-may dumapa sa akin." Tumuro siya kaya naman doon ko itinutok ang flashlight sa tinuturo niya.


Napa-upo ako sa gulat ng makakita ako ng tao na naka-upo sa gilid at nakayuko pa ito. Agad din nag sink-in sa utak ko na malamang ay Isabelle 'yon. Tumayo ako at dali-dali ko siyang nilapitan.


"Isabelle? Isabelle ayos ka lang ha?" Alala ko'ng tanong. 


Lumapit na din si Sebastian at Cleo sa kanya. Kinakausap namin siya pero wala kaming respond na natatanggap galing sa kanya. Lalo lang lumakas ang kanyang pag-iyak. Nag-aalala na kaming tatlo dahil baka mas grabe pa noong isang araw ang ginawa sa kanya ngayon.


"Isabelle, magsalita ka *sniff* naman oh." 


Dahan-dahang iniangat ni Isabelle ang kanyang ulo. And tears started to fall from my eyes when I saw Isabelle's face. Sobrang pula ng kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Sobrang nakakaawa siyang tignan. 


"Kilala mo ba kung sino may gawa sa'yo nito ha? Namumukhaan mo ba sila?" Umiling lang siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ang mga luha ko ay patuloy pa din sa pagtulo. Ang dalawa ko'ng kaibigan na nasa tabi ko lang ay umiiyak na din.


"Ano'ng ginawa nila sa'yo ha?" Gusto ko'ng hanapin ang mga taong gumawa nito kay Isabelle. At pagbayarin sila sa kanilang ginawa. Ngunit hindi ko naman alam kung sino sila.


Akmang magsasalita sana si Isabelle ng bigla siyang mawalan ng malay.


"Isabelle...Isabelle!" 

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now