Pag-pasok ko sa loob ay napa-nga-nga ako "Bro, Gaano kalakas ang bagyo na dumaan dito sa condo mo?" Kahit saan ako tumingin sa parte ng condo unit niya ay puro mga nakakalat na papel at balat ng pinagkainan ang nakikita ko. Pati mga naka latang alak ay naka kalat.


"Pwede ba kung wala ka naman sasabihin umalis ka na. Marami pa ako'ng gagawin." Pumunta siya sa sofa at naupo. Tsaka humarap sa kanyang laptop.


Napapa-isip tuloy ako kung naliligo ba ang Brayden ang ito. 'Yong itsura niya kasi mukhang gusgusin tapos ang gulo pa ng buhok niya. At yung mga eyebags niya nag he-hello na sa akin.


Naupo ako sa kabilang sofa at seryosong tumingin sa kanya "It's about Isabelle. Your ex wife." Paninimula ko. Pagka banggit ko sa pangalan ni Isabelle ay mabilis siyang napatingin sa akin.


"What is it?" Kita ko sa mukha niya na para siyang biglang kinabahan.


Umupo ako ng maayos at ikinuwento ang lahat sa kanya.


-


Brayden's POV


"What?! Sigurado ka ba sa mga sinabi mo ha?" Hindi ko napigilan ang hindi mag-panic ng marinig ko lahat ng mga sinabi ni Matthew. Napatayo pa ako sa pagkaka-upo ko. Ang puso ko ay biglang bumilis sa pag-tibok.


"Oo naman. Hindi naman ako gagawa ng kwento no."


"Sigurado ka ba na siya nga ang nakita mo? Baka ibang babae lang 'yon." Paninigurado ko. 


Sabi ni Matthew, ng pauwi na sila ng daddy niya ay nakita niya si Isabelle kahapon na ibinaba sa isang ambulansiya at isinakay siya sa wheelchair. Nakita din daw niya na may bakas ng dugo sa kanyang mukha ay may mga galos din daw ito. Hindi ko alam kung dapat ko ba'ng paniwalaan ang sinasabi ng Matthew na ito, lalo na at puro kalokohan lang ang alam niya.


"101 % sure ako. Si Isabelle ang nakita ko 'don sa hospital. Malinaw pa itong mata ko, bro. Kaya malabo na hindi tama ang nakita ko." Sabi niya at nag-kamot ng ulo.


Sa halip na sagutin ko siya ay tumakbo ako sa kwarto ko para maka pag-palit ng damit. Sobrang natataranta at hindi mapa-kali ang nararamdam ko. I don't really know what exactly happened to her, kaya hindi ko maiwasan ang mag-isip ng negatibo. Dahil kahit itong si Matthew ay hindi niya din alam kung ano ang kalagayan ni Isabelle.


Matapos ko'ng mag-bihis ay kinuha ko na ang wallet at susi ng kotse ko. Tsaka na bumaba.


"Saan ka pupunta?" Tumayo si Matthew at nilapitan ako.


"'Kay Isabelle. So tell me kung saang hospital siya dinala."


"Bro, wala na siya sa hospital ng bumalik ako doon kanina. Ikaw naman kasi kahapon pa kita tinatawagan hindi mo naman sinasagot." Nagulat ako sa sinabi niya. Paano ka na ngayon pupuntahan si Isabelle kung wala na siya sa hospital? Hindi ko naman alam kung nasaan siya ngayon dahil ayaw sabihin sa akin ni Flare at kahit ni Mommy.


Fvck!


-


Third person's POV


"Oh anak, gising ka na pala. Sakto at nakahain na ang agahan. Halika na kumain na tayo." Nakangiting bati ni Mrs. Anderson 'kay Isabelle na kabababa lang. Nag-lakad papunta ng hapagkainan si Isabelle at na-upo na ito.


Matapos ibalita ng kaibigan ni Isabelle 'kay Mrs. Anderson ang nangyari kahapon ay agad itong bumyahe pabalik ng manila. Nasa isang conference meeting ito sa bohol ng makatanggap siya ng tawag mula 'kay Flare. At ng sabihin sa kanya ang lahat ay napag-desisyonan nitong iwan ang trabaho sa bohol upang mapuntahan si Isabelle.


"Okay ka na ba, Anak? May masakit ba sa'yo ha?" Bakas pa din ang sobrang pag-aalala ni Mrs. Anderson.  Sa bahay ni Isabelle na siya nag-palipas ng gabi dahil ayaw niya itong iwan. Natatakot kasi si  Mrs. Anderson na may gawing hindi maganda si Isabelle sa kanyang sarili. Hanggang sa pag-tulog kasi ay sinisisi pa din ni Isabelle ang sarili niya sa mga nangyari.


"Okay lang po ako Mommy Hailey." Matamlay na sagot ni Isabelle at ngumiti ng pilit.


Naupo sa kabilang upuan si Mrs. Anderson at hinawakan ang mga kamay ni Isabelle.


"Anak, please stop blaming yourself. It's not your fault dahil alam natin na hindi mo ginusto ang mga nangyari." Gusto ng lumuha ni Mrs. Anderson pero pinipigilan niya lang, dahil ayaw niyang lalong pahinain ang loob ni Isabelle.


"And about that Amber. I'll talk to her and explain everything."


"No. No it's all my fault. Dapat lang na magalit siya sa akin dahil pinabayaan ko ang kapatid niya. Kasalanan ko ito! *sob* kasalanan ko ang lahat! Dapat ako 'yong nandoon sa hospital at naghihirap *sob* Hindi dapat si Kyro *sob*" Sobrang awang-awa na si Mrs. Anderson 'kay Isabelle dahil isang tunay na anak na ang turing niya dito. At sa isang ina na katulad niya ay masakit makita na nag-dudusa ang kanyang anak sa kasalanan na hindi naman niya ginawa.


Niyakap nalang ngmahigpit ni Mrs. Anderson si Isabelle upang i-comfort ito.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now