Chapter 19 (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Hindi ko maialis ang aking mga ngiti, dahil sobrang nagagandahan ako sa suot at ayos ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi ko maialis ang aking mga ngiti, dahil sobrang nagagandahan ako sa suot at ayos ko. Kahit na nakakapagtaka kung paano ako naayusan habang madilim ang paligid.

"Wag ka na mag-taka. Pinasuot kasi namin ng night vision goggles ang mga nag-ayos sayo." Kaya naman pala. Akala ko pa naman sobrang linaw na ng kanilang mga mata.

Mabuti nalang at hindi na nila inalis ang strapless bra ko, dahil kung hindi baka hindi na ako mapalagay sa kung anong nakita nila.

"Thank you so much, bes." I said and hugged her.

"Mabuti pa at simulan na natin ng iyong debut party. Mukhang naiinip na kasi yung ibang bisita." Sabi ni Flare at nakatingin sa mga bisita sa baba.

Bago mag-simula, ay may emcee na nag-salita muna ito. While the emcee talking, a picture of mine with my friends and family are flashing on the big screen. Hindi ko maiwasan na hindi maluha habang isa-isang pinagmamasdan ang mga litrato na matagal ng nakunan pero isang masayang alalala ang ibinigay sa akin.

(Brigther than the sun by; Colbie Caillat)

'Mama, papa. Sobrang miss ko na po kayo. Alam ko po na kahit wala na kayo ay parati lang kayong nasa tabi ko.'

After the throwback pictures ay ang 18th treasures ang next. Sobrang ramdam na ramdam ko ang pagiging prinsesa lalo na at naka-upo pa ako sa isang mala-prinsesang upuan with full of flowers.

Lahat ng mga co-student councils namin ni Flare ang isa sa18th treasures. From Ate Lianna, Ate Cendra, Ate Mikay, Ate Khaye, Paula, Dindin, Joan, Nichole, Judy, and Lyra. Kasama din si Cleo at Amber. Ang nakakatuwa pa ay kasama ang mga naging grade school friends ko na sila Venus, Zia, Rhea, Terry and Chelsea. It's been a year since we saw each other. And of course the last 18th treasures is my beloved bestfriend.

"You already know that I'm so thankful that you became my bestfriend and also my sister. Kahit na there's a time na nagbabangayan tayo, naiinis ako at naiinis ka sa akin ay sobrang laki pa din ng pasasalamat ko. Alam mo naman na love na love kita, bes. Kasi bukod sa parents ko ikaw lang yung nakakatiis sa pa-iba-iba ko'ng ugali...Pero syempre mas nangingibabaw ang kabaitan ko hahaha. Basta no matter what happen, I'm still here for you bes. Love you, Just enjoy your special day, dahil dugo at pawis ang inilaan namin para dito." Bigla naman nag-sitawanan ang mga bisita. Flare came to me and she gave me a kiss on my cheek.

Matapos ang mga makabag-damdaming sona sa akin ng aking 18th treasures ay ang 18th roses naman ang sumunod. Kada nakakasayaw ko ay hindi ko maiwasan hindi magulat, dahil ang mga naging kaibigan ko noong highschool na The bully's group ay nandito din.

Sa totoo lang iba-iba ang mga kaibigan ko sa grade school, highschool and college. Palipat-lipat kasi kami noon ng bahay. Kaya pati paaralan na pinapasukan ko ay iba-iba.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now