1 minute

No reply. Kaya naman tinawagan ko nalang siya.

Calling Brayden.....

"Hello, Brayden!" Agad ko'ng sabi ng sagutin niya ito. Napatakip ako ng bibig ng medyo mapalakas ang pagkaka-sabi ko sa pangalan ni Brayden. Tumingin ako sa paligid at mabuti nalang ako lang mag-isa sa classroom at wala namang estudyante sa may hallway.

"Uy, sorry na kung ano man yung nagawa ko....pero 'di ko naman kasi alam ang kasalanan ko. Bigla-bigla ka nalang nagagalit. Pero sorry pa din ok? Bati na tayo." Napapabuntong hininga nalang ako dahil sinagot niya nga ang tawag ko, pero hindi naman siya nag-sasalita. Nag-mumukha tuloy ako'ng tanga "Sige iintindihin nalang kita. Ayoko naman na mag-away na naman tayo ulit. Ingat ka sa pag-uwi. Bye." Ngumiti pa ako kahit na hindi niya ako nakikita.

'Ok lang 'yan, Isabelle *sniff*'

Inayos ko nalang ang gamit ko at nag-tungo na sa mall.



Mall

Ng makabili ako ng ticket at pag-kain ay pumasok na ako sa cinema 3. Train to busan ang papanoorin ko ngayon.

Habang pinapanood ko ang train to busan feeling ko ako yung hinahabol ng mga zombies. Kaloka!

"*sniff* huhu. Grabe naman ang palabas na ito, pinatay *sniff* na lahat ng bida. Kawawa na tuloy si Su-an wala na ang daddy niya *sniff*" May nag-abot ng panyo sa akin at kinuha ko naman ito.

Pinunasan ko ang aking luha at pati na rin ang sipon ko. Tumutulo din kasi, eh.

Ng maalala ko ang nag-bigay ng panyo sa akin ay tinignan ko kung sino ito. Kahit na medyo madilim ay naaninag ko pa rin ang itsura ng taong nag-bigay sa akin ng panyo.

"Brayden?" Yes, it's him. Bakit siya nandito?

"Ano'ng ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Sunod-sunod ko'ng tanong.

"Bakit ayaw mo? Sige aalis na ako." Patayo na siya, ng hawakan ko ang kanyang braso para pigilan.

"Eto naman. Ang bipolar mo talaga." Bumalik ito sa kinauupuan niya "Galit ka ba sa akin ha?"

"Oo." Walang alinlangan niyang sagot.

"Bakit? Ano ba yung nagawa ko na ikinagagalit mo? Tsaka nag-sorry naman ako kanina, ah."

"Think aboout it." Sambit niya at ang kanyang tuon ay nasa screen.

Ano ba talaga? Hindi naman ako si madam auring para mahulaan ang kasalanan ko. Tsaka ang alam ko wala naman ako'ng ginagawang masama. Oh baka naman...

"Dahil ba sa biglang pag-kiss ko sayo kahapon? Oh, sorry na. Hindi ko naman sinasadya 'yon, eh." Arte ng lalaking 'to ah. -_-

"Tss. Akala ko ba matalino ka ha? Simpleng ikinagagalit ko hindi mo alam." He said in a serious face.

"Yung utak ko wala na, tinalikuran na ako ng dahil sayo. Aba malay-malay ko ba diyan sa ikinagagalit mo. Kung wala ka'ng balak na sabihin, pwes bahala ka diyan." Sakit sa ulo talaga ang lalaki'ng 'to. Dinaig pa talaga ang babae.

"Aray! ano ba!" Daing ko ng hawakan niya ang braso ko at i-harap ng pabigla sa kaniya.

"Sorry na. Nag-seselos lang naman ako." Nag-iwas pa ito ng tingin na tila nahiya sa kanyang sinabi. Ako naman ay nagulat sa sinabi niya.

"Ano naman ang ikina-seselos mo ha?"

"I saw you and Dylan talking yesterday."

"So? Nag-uusap lang naman kami. And I told you before, we're just friends. At hanggang doon lang 'yon." Paliwanag ko.

Akala ko pa naman kung ano na. Bakit ba lagi nalang pinag-seselosan ng lalaking 'to si Dylan? Friends lang naman kami ni Dylan. At hindi na lalagpas pa ang pagiging mag-kaibigan namin.

"I know. Kaya nga sorry na."

"Galit pa din ako sayo. Alam mo ba'ng gusto ko ng maiyak kasi akala ko malabo na talagang magka-ayos na tayo. Tss." Inirapan ko na siya at kahit na tinatawag niya ang pangalan ko ay hindi ko siya pinapansin.

"Hey, Ysa. I'm sorry. I'll treat you ok." Sambit niya na nakapag-pahinto sa akin "I-lilibre kita ng favorite mo'ng ice cream, basta magka-ayos lang tayo."

"'Yon lang? Ayoko."

"Kahit ano'ng gusto mo'ng pagkain bibilhin ko para sayo."

Napangiti naman ako. "Sabi mo 'yan. Sakto gutom na gutom na ako, ang dami ko'ng gusto'ng kainin" Hindi naman ako choosy, eh. Kahit yung ice cream lang i-libre niya ok na sa akin. Ang kaso ang dami ko'ng gustong kainin pero wala ako'ng pambili. Kaya ngayon kinukuha ko lang ang pag-kakataon na makain ang mga gusto ko ng libre. *evil laugh*

"Ano tatayo ka nalang diyan? Halika na. Gutom na gutom na ako, eh." Sabi ko at na-una ng mag-lakad.



~ITUTULOY~

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now