Naabutan ko si Mommy Hailey at manang Fely sa dining na nag-hahanda ng mga pagkain. 


'Nasaan kaya siya?'

"Miss me?" Bulong sa akin. Medyo inilayo ko ang sarili ko at hinarap assuming na lalaking ito.


"Pinag-sasabi mo?" Pag-mamaang-maangan.


Halatang bago'ng ligo lang siya, dahil basa pa ang kanyang buhok. Napansin ko naman na hindi ito naka school uniform.

'Tss. Hindi na naman papasok.'


"Ako.. na mi-miss mo. Malapit ka na ngang maging giraffe diyan. Humahaba na leeg mo kakahanap sa akin." 

"Kapal. Ikaw agad-agad? Hindi ba pwede'ng si ate Xena muna ha?"

"Tss. Sige nga ano naman kailangan mo sa kanya ha?"

Wahh! Ano nga ba'ng kailangan ko 'kay ate Xena? 

Think Isabelle! Think.

Nang makita ko si ate Xena na pababa din ay agad ko siyang nilapitan "A-ah. Nandiyan ka lang pala ate Xena." Sabi ko at ngumiti.


"Bakit ma'am?" Tanong nito.

"D-diba ate Xena, sinabi mo sa akin na papa-hiramin mo ako ng korean cd's?" Please ate Xena, makisakay ka naman. Huhu "Diba ate Xena?" Yung mukha ko parang natatae na para lang ma gets ni ate Xena ang gusto ko'ng iparating.


Mukha naman na gets nga niya ako "Ay oo ma'am. Sige po ibibigay ko mamaya." Oh, gosh. Thank God. Buti nalang hindi slow si ate Xena.


Hinarap ko si Brayden na nakatingin lang sa amin "Oh, see. Hindi ikaw ang hinahanap ko *bleh* " Sabi ko at nag-punta na sa dining.


"Oh, gising na pala kayo. Maupo na kayo at kakain na tayo." Nakangiting sambit ni Mommy Hailey ng makita niya kami ni Brayden.


Naupo na kami ni Brayden, gano'n din siya. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa basagin ni Brayden ang katahimikan.


"Mom, is it ok to you, if mamamasyal kami'ng dalawa ni, Ysa, ngayon?" Hindi ko na naituloy ang pag-subo sa bacon na kinakain ko, dahil sa aking narinig. Tinignan ko si Baryden na nakatingin sa ina niya, kaya naman 'kay Mommy Hailey ko ibinaling ang tuon ko. Tumingin si Mommy Hailey sa akin na parang hindi makapaniwala, katulad ko.


Eto na ba yung sinabi ni Brayden, kagabi na mula ngayon ay ipapakita na niya kung gaano niya ako kamahal and that he's going to prove himself to me? Eto na ba 'yon?


"O-Ofcourse, you two can go out." Kita ko sa mukha ni Mommy Hailey ang sobra'ng saya. 


Ngiti lang ang isinagot ni Brayden at bumalik na ito sa pagkain ulit. Malawak ang ngiti ni Mommy Hailey ng tumngin ito sa akin, binigyan niya pa ako ng thumbs up. Napangiti nalang din ako at pinag-patuloy na ang pagkain.

-

"Brayden, hindi ba pwedeng after exams nalang tayo mamasyal? Kailangan ko pa'ng mag-review, eh." Nandito kami ngayon sa sala at nanonood. Ngayon ko lang naalala na midterm exam na pala namin bukas, at kahit na naka-pag review na ako ay kailangan ko pa din basahin ang mga lectures ko.

"Pumayag na si Mommy, at ikaw hindi ka naman tumutol. Kaya tutuloy tayo ngayong araw." Hindi ba siya kinakabahan na exam week na mula bukas? Ako nga kahit nakaka-pagreview ako, ay kinakabahan pa din ako. Pero siya? Chill lang.


"Anak, pag-bigyan mo na 'yang asawa mo. Minsan lang naman mag-yaya 'yan, bahala ka ikaw din, baka mag-bago isip niya at hindi na ulit mag-ayang mamasyal kayo." Ay nako, akala ko pa naman maiintindihan ako ni Mommy, 'yun pala sasang-ayon pa sa anak niya. 

Why o why?


"Mag-ready ka na." Sabi  ni Brayden. Hindi na ako tumutol, dahil ano naman laban ko? 2 versus 1? Baka mamaya lalo pa ako'ng makonsensya sa sasabihin nila sa akin.

Tumayo na ako at nag-punta sa aking kwarto.


Kinuha ko na ang aking towel at pumasok na sa banyo ko. Matapos ko'ng maligo ay kumuha na ako sa aking walk in closet ng pwede'ng isuot. Kinuha ko ang aking black fitted jeans at v neck white t shirt. Nakalimutan ko na halos pants and t shirt pala ang mga damit ko. Hindi kasi ako mahilig sa dress, may mga maikli naman ako'ng shorts kaso dito ko lang sa bahay sinusuot. And ang aking converse shoes ang sinuot ko. Hindi ko na itinali ang buhok ko, dahil basa pa. Powder and lip gloss ang inilagay ko sa aking mukha. And ta-da! I'm done.


Nang matapos na ako'ng mag-ready ay kinuha ko na ang aking sling bag at bumaba na. Naabutan ko si Brayden na naka-upo sa sofa at busy sa pag-lalaro sa kanyang phone.

"Tara na?" Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.

Tumingala ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

May problema ba sa suot ko?

"Bakit?" Tanong ko ng mabalik nito ang tingin sa mukha no.

"Nothing, let's go." Tumayo na siya at nauna ng lumabas.

Ako na ang nag-paalam 'kay Mommy Hailey ng makita ko itong lumabas ng kusina.

Sumunod na ako 'kay Brayden at isa lang ang masasabi ko. Ang gwapoooo. He's wearing a navy blue t shirt, white and gray jacket and white pants. (If you can see the picture, correct me if I'm wrong ^^ Thanks) 

 (If you can see the picture, correct me if I'm wrong ^^ Thanks) 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam ko'ng gwapo'ng-gwapo ka sa akin. Pero mamaya mo na ako titigan, baka hindi pa tayo maka-uwi agad." Nangingiti nitong sambit. 

"Grabe. Lakas ng hangin dito, ah. Muntikan na ako'ng tangayin."

"Ang payat mo kasi, eh. Kumapit ka na lang sa akin para hindi ka tangayin." Sabi niya.

Ang cheeeezyyy.


Hindi na ako sumagot, dahil baka himatayin na ako sa kilig. Syempre kinikilig din ang lola niyo, pero hindi ko lang pinapahalata. kailangan ko munang mag pakipot effect. Haha.


Pinag-buksan ako nito ng pinto ng kotse niya kaya naman pumasok na ako sa loob. Sumunod na din ito at nag-umpisa na siyang paandarin ang kanyang kotse.




I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon