5 minutes to go before our next subject. Pero wala pa ri'ng Flare na nag-papa-kita. Kaya naisipan ko'ng lumabas at hanapin siya. Una ako'ng nag-punta sa gym, dahil minsan tambay siya doon para manood ng mga gwapo'ng basketball team ng school. Ngunit hindi ko siya nakita, kaya nag-punta ako ng garden, and again wala na naman siya.

"Aish! Nasaan ba ang babae'ng 'yon?" Sabi ko. Hindi ko naman ito matawagan, dahil nasa bag ko ang aking phone.


Dahil hindi ko siya makita ay na-isipan ko'ng bumalik na, dahil baka dumating na ang professor namin. 


"Si Flare ba 'yon?" Sabi ko ng pag-akyat ko sa third floor ay nakita ko si Flare sa locker ng mga lalaki. Sa kabilang hagdan kasi ako dumaan, dahil inaayos ang hagdan na mas malapit sa room namin. Lumapit ako at tama nga ang hinala ko.

"Uy." Mukha naman nagulat siya sa akin.


"Nakaka-gulat ka naman, bes." Hawak pa nito ang parte ng kanyang puso.

"Kanina pa kaya kita hinahanap. Teka ano ang ginagawa mo diyan sa locker ni Caleb?" Tanong ko ng mapansin ko'ng locker ni Caleb ang nasa likuran niya.


How did I know? Bawat locker kasi dito sa school ay may pangalan ng may-ari. Kaya ayon nalaman ko haha.

"H-huh w-wala naman hehehe. Tinitignan ko lang kung maganda ang ginamit sa pag-gawa nitong mga locker hehe."


"At kailan ka pa nag-karoon ng interesado sa mga ganyang bagay?"

.

"Ngayon lang hehe. Tara na nga late na tayo" Kumapit pa ito sa braso ko at hinila ako.


-


Tumunog na ang bell hudyat na lunch time na kaya naman ay lumabas na ang professor namin at ang iba ko'ng classmates.


"Kyaahhh!" Agad ako'ng natigil sa pag-aayos ng aking gamit ng makarinig ako ng mga estudyante'ng sumisigaw. Nakita ko sa labas ng room na ang dami na naman ng estudyante sa hallway. Kahit mga taga ibang building ay nandito sa third floor.

Hay nako. Pinag-kakaguluhan na naman nila ang mga casanovas. Hindi ba sila napapagod sa kaka-sigaw? Ang sakit kaya sa lalamunan. Tsaka hindi naman nila kailangan pag-kaguluhan 'yang sila Brayden, tao lang din naman sila.

"Oh my gosh! She's back." Huh? She? Ang ibig sabihin hindi ang mga casanova ang pinag-kakaguluhan nila? Eh, sino?


"Bes, dali tignan natin." Hinawakan ni Flare ang kamay ko ay hinila ako palabas. Tsismosa talaga.


Hindi namin masyado makita kung sino ito, dahil nakaharang ang mga estudyante. Idagdag pa na hindi naman kami masyado'ng matangkad ni Flare.


"Ano ba 'yan hindi ko makita." Reklamo ni Flare.


Nagulat nalang ako ng hilain niya na naman ako at sumingit sa mga estudyante.


"Excuseeeee me." Sambit niya habang sumisingit pa din. Mabuti nalang ay hindi nag-rereklamo ang mga estudyante'ng sinisingitan namin, dahil kung hindi baka binugbog na kami.


Ng makasingit kami ni Flare ay agad ko nakita ang kanilang pinag-kaka-guluhan. Isang magandang babae na mayroon pa'ng apat na body guards.


"Artista ba 'yan?" Tanong ni Flare. Nag-kibit balikat ako. Hindi ko naman kasi ito nakikita sa tv.

Halos puno pa rin ng sigawan sa buong hallway ng third floor. Ang mg ibang kalalakihan ay sumisipol pa sa babae. Ngunit hindi naman sila pinapansin, maganda ang babae pero mukha itong mataray. Ang seryoso ng mukha niya at pag ngingiti naman ito halatang fake.


"Wow fake smile. Pakitang tao lang?" Napansin din pala iyon ni Flare, akala ko ako lang.

Sinusundan ko lang ito ng tingin hanggang sa tumigil ito sa classroom nila Brayden at pumasok sa loob. Ang mga body guard niya ay naiwan sa labas. Inunahan ko na ang mga estudyante na makalapit sa bintana ng classroom nila Brayden, dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa babae'ng 'yun.

Nakita ko sa loob ang casanovas. Sobrang busy ng mga ito sa pag-da-daldalan. Ang babae naman ay nakangiting lumapit sa kanila.


"Seraphina!?" Bulalas ni Matthew. Napatayo pa ito at gulat sa kung sino ang kanyang nakita. Si Caleb walang reaksyon na tumingin sa babae. 


Unti-unti'ng humarap si Brayden sa babae. Katulad ni Matthew ay napatayo din ito. Halos nag-tititigan lang sila ng babae, ni isa ay walang nag-sasalita sa kanila. Hanggang sa bigla niya itong yakapin ng mahigpit. Lahat ay nagulat, lalo na ako. 


B-bakit niya niyakap ang babae'ng 'yon?

"It hurts right?" Agad ako'ng napatingin sa katabi ko ng mag-salita ito "Stop dreaming, hindi ka na mapapansin niyang si Brayden. 'cause that girl is his first love." First love? Kaya ba iba ang nakita ko'ng aura ni Brayden ng makita niya ang babae kanina? At kaya ba hindi matanggap ni Brayden na may asawa na siya, dahil sa babae'ng 'yan? "Alam mo wag ka'ng umiyak diyan, dahil kahit lumuha ka ng dugo o iluwa mo 'yang mata mo hindi ka niya pa din papansinin. You look pathetic tsk." Hinawakan ko agad ang aking pisngi, dahil sa sinabi ng babae. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Dahil ba ito sa sakit na nararamdaman ko? Sh*t.

Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya tumakbo nalang ako paalis. At hindi ko na din kaya pa ang nakikita ko. Sobrang sakit! ang puso ko gusto ng sumabog, kahit na gusto ko silang lapitan. Ay hindi ko naman magawa, dahil natatakot ako na kung gagawin ko 'yon ay baka mag-mukha lang ako'ng tanga sa harap ng maraming tao at ayoko na isipin na naman ng mga estudyante na obssessed ako 'kay Brayden. 



I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now