Forty-One

172K 3.4K 214
                                    

41

I don’t know what went wrong with the operation. Everything is so sudden. At first we are in complete control of the operation and the next thing, kami na ang nasusukol nila. Parang alam nila na darating kami. Alam namin na malakas ang kapit ng sindikatong ito pero hindi namin inakala na pati ang top secret na mission na to ay malalaman nila. It is possible na may tauhan sila na kasamahan namin.

I am holding my empty gun tightly habang tumitingin sa paligid. Kailangan kong makalabas sa warehouse na ito kung gusto ko pang mabuhay. Kaya pala ang eerie ng situation pagkapasok namin, natunugan na pala kami. And when we entered, pinaulanan na kami ng bala. Mabuti na lang nakatago ako bigla but some of my  colleagues didn’t make it.  But we did give them a quite fair fight.

Napahinga ako ng maluwag nung narinig ko ang pagdating ng ibang sasakyan lalo na ang sirena ng mga patrol car. So we have a back up. Kung sino man ang tumawag, nagpapasalamat ako kasi ibig sabihin may pag asa pa akong makalabas dito.

Hindi ako lumabas sa pinagtataguan ko hanggang sa pumasok ang ibang kasamahan namin. After a few minutes nahuli na ang mga kalaban namin at lumabas na ako sa pinagtataguan ko lalo na nung makita ko si Jhudiel whi is surveying the scene. For the first time after these  past few days, I am glad to see him. Tumayo na ako at naglakad papunta sa kanya.

“Jamie Xiara!” bigla niyang sigaw sa akin and I can see horror in his eyes. Nagtaka pa ako nung bigla akong makarinig ng putok ng baril at biglang kumirot ang likod ko.

Parang slow motion, nakita ko siyangbinaril ang bumaril sa likod ko before he ran towards me. Pero hindi na siya nakaabot dahil unti unti ng dumidilim ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko.

__

Nagising ako dahil sa liwanag ng ilaw ng kwarto ko. Alam kong nasa hospital ako pero hindi ko nga lang alam kung gaano na ako katagal dito. Una kong nakita si Mama sa tabi ng bed. Hinanap ng mga mata ko si Jhudiel pero hindi ko siya nakita sa kwarto.

“Wala siya dito. Umalis siya nung sinabi ng doctor na maayos na ang kalagayan mo.” Sabi ni Mama nung nakita niyang may hinahanap ako. Hindi ako nakarinig ng kahit ano kay Mama. Bumuntong hininga lang siya. Hindi niya ako sinumbatan pero naluha ako sa tanong niya.

“Jamie… may pagkukulang ba kami ng Papa mo sa’yo?” Nakita ko din na umiyak na si Mama. Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.

“Mama, wala po.”

“Ikaw lang ang nag iisang anak namin Jamie, at ayaw kong mawala ka sa amin ng Papa mo ng ganito kaaga. Sana maintindihan mo kami. Pero irerespeto namin ang mga magiging desisyon mo. Pero isaalang alang mo din ang mga taong nagmamahal sayo.” Yun lang ang sinabi ni Mama pero tumatak yun sa puso ko. Dahil kahit hindi niya sabihin ng diretso alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. But I am not sure if I can do it.

Eight  days akong nagstay sa hospital. Isang araw pala kasi akong tulog dahil inoperahan.  Pero sa loob  ng pitong araw, ni hindi dumalaw si Jhudiel sa akin. Ang bulaklak na galing sa kanya nung magising ako, hindi na napalitan. Gusto ko siyang makita dahil miss na miss ko na siya pero nahihiya akong magtanong kina Mama.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Where stories live. Discover now