Eight

243K 3.5K 133

Eight

Oo nga at atat na akong magpakasal para mapatunayan na hindi totoo ang hula na iyon. At oo nga at nagalit ako nung malaman ko na nag back out siya sa engagement pero hindi ko naman kasi alam na ang bastos na lalaki sa bar at ang fiancee ko ay iisa. Malay ko ba na kung kani-kaninong boobs at pwet ang pinipisil niya? Naiisip ko pa lang nandidiri na ako. Malay ko kung may STD pa siya at mahawaan pa ako. Like ewwwww!

At alam ko rin na ang rason ng parents namin sa lunch na ito ay para magkakilala kami ng husto at magbago ang isip ni Jhudiel. Kasi nga naman wala ng problema sa akin kasi  ang alam nilang lahat, atat nga akong pakasal kahit kanino. But not to this man! Por Diyos!

Pero ngayon na ang rason ko kung bakit ayaw kong pakasal sa kanya ay siya ding rason niya kung bakit kami magpapakasal, at nabaliktad na ang sitwasyon, kailangan ko ng mag isip ng paraan sa lalong madaling panahon. As in now na!

Ng paraan na hindi ako magmumukhang tanga dahil sa akusasyon ko sa kanya at intact pa din ang image at integridad ko sa pamilya ko at sa pamilya niya. At lalong hinding hindi ako magmumukhang katawa tawa sa harapan niya.

“Okay. Pakasal na kung pakasal.” Sabi ko bigla.

“Pero ayaw ko ng civil wedding. I want a grand wedding like any other woman desires. And I believe we need time to prepare that kind of wedding.” And by that time, nakaisip na ako ng paraan or nakahanap na ako ng ibang lalaki. I said coyly smiling at Jhudiel.

“You can have that grand wedding of yours  after the civil wedding. You can take as much time as you please planning for that grand wedding. But I want us to be married now.” He said firmly. Pinanlakihan ko siya ng mata and he just smirk at me.

“There’s no need to hurry. Really. The marriage thing is not urgent.” Sabi ko pa sabay tingin sa parents namin soliciting approval from them. Pero nakatingin lang sila sa amin na parang hinihintay kung kelan kami magkakasundo.

“I agree.” Bigla akong napalingon sa kanya. Muntik pa akong napatalon sa sinabi niya. He agrees?

“I agree that the marriage thing is not that urgent but proving my masculinity is urgent. Any guy who’s personality is challenged ought to prove otherwise as soon as possible.” Mahabang litanya niya. Medyo overemotional pa ang pagkakadeliver.

“You can always prove your masculinity without getting married.” Kung pagpoprove lang pala ng pagkalalaki ang pinag uusapan aba, pwedeng pwede niyang gawin yun ng hindi nagpapakasal.

“And you’re suggesting we do  a pre-marital sex?” nakataas pa ang kilay na sabi niya. Automatic na bumuka ang bibig ko para magprotesta pero naunahan ako.

“Jhudiel!” Bulalas ng Mommy niya.

“Por Diyos!” Sabi naman ni Mama. 

“I am not saying that. What I’m saying is you can always prove your masculinity to other girls and not specifically to me.”  My voice raised an octave. Para atang nahahighblood ako. Must be the shrimp that I’m eating a while ago.

“You mean to say, a one night stand?” Singhap na lang ang narinig ko sa mga nanay namin. They must be out for words dahil sa mga salitang nanggagaling sa bibig ni Jhudiel. Kung gaano ka traditional ang pamilya namin, ganun din ka traditional ang pamilya nina Jhudiel. Pre marital sex and one night stand is taboo in the house. We cannot discuss it openly. It is something that you discuss behind doors.  We firmly believe in the sanctity of marriage and chastity before marriage.

“Stop putting words into my mouth. Hindi ganun ang ibig kong sabihin.” Pilit kong kinakalma ang sarili ko. He is not worth the highblood.

“I am not putting words into your mouth I am merely interpreting what you are saying as I understand it para magkaliwanagan na tayo. And Jamie Xiara, I don’t see the point of this conversation  kung iisa lang naman ang patutunguhan. Just answer me, are we getting married or not? There! I already give you a choice. Baka sabihin mong pinikot kita.” Ang kapal ng mukha! Binigyan pa niya ako ng choice sa lagay na yan.

Nag-isip ako ng isasagot sa tanong niya.

“Ano.” Sigaw niya sa akin.  Napatingin ako bigla sa kanya. Leche to! Hindi ako binigyan ng pagkakataon na makapag isip. Ako pa ngayon ang naiipit sa sitwasyon. Naku! Talaga naman! Pag ikaw ang may nunal sa ano, pipilipitin ko yang nunal mo! Leche ka!

“Saglit!” Ganting sigaw ko.   

“5” Napatingin ako sa kanya.

“4”

“3”. Grrr…

“Wag mo akong bilangan! Leche ka!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Jamie Xiara!” Magkasabay na sabi nina Mama at Papa. Napatakip ako bigla sa bibig ko. 

Rule #1. A lady should not swear.

Rule#0. Specially when in front of food and your parents is with you.

Patay ako nito.

“Okay Fine. Ikakasal na kung ikakasal.Ora mismo!” Tulala ang parents namin. Tiningnan ko ng masama si Jhudiel at hindi nakaligtas sa akin ang palihim niyang ngiti. Nagngitngit lalo ang loob ko.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kaming lahat sa office ni Tito. Nauna na sila Mama at Papa, pati na din ang parents ni Jhudiel. Nakasunod siya sa akin dahil siguro minamanyak ang pwet at legs ko. Bago kami pumasok sa office ng Daddy niya, hinarap ko siya ng nakangisi. 

“Alam mo ang cute cute mo ang sarap mong patayin.” Pekeng ngiti ko sabay pisil ng pisngi niya. Napangiwi siya dahil sa sakit. Nandilat din ang mata. Gusto na ata akong sapakin. Hindi na ako magtataka kung kaya nga niyang gawin yun.

Pero bago pa niya magawa ang masama niyang balak, pinagbuksan na kami ng Mommy niya ng pinto kaya instead na gumanti, inakbayan na lang niya ako at niyakap ng mahigpit na parang hindi na ako makahinga. Peste talaga!

“Same to you Jamie. Same to you.”  Pasimpleng tinulak ko siya at pumasok na sa loob ng office. Kahit nanggigigil ako at naisahan niya ako ngayon, hindi pa din ako nawawalan ng pag asa.

May alas pa ako. Hangga’t hindi niya alam na si Jamie Xiara na magiging asawa niya at ang Xiara na bakla ay iisa dahil sa sobrang katangahan niya. Makakaganti pa ako. Ng bonggang bongga. I swear.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!