Thirteen

Jude’s POV:

Hindi ako makapaniwala na andito ako ngayon sa harap ng apartment ni Jamie Xiara. Hinatid niya ako kaninang madaling araw sa condo ko at wala pa ngang tatlong oras ako nakakatulog, tumawag na si Daddy at tinanong kung kasama ko ba si Xiara sa condo. Siempre sinabi kong hindi kasi yun naman ang totoo. Akalain mo ba namang nagalit. Anong klaseng asawa daw ako at kakakasal lang namin, iniwan ko na agad ang asawa ko.

Kung alam lang niya kung anong klaseng babae ang pinakasal niya sa akin. Na mas gugustuhin ko pang magmukmok sa condo kaysa sa makaharap ang babaeng yun. Hindi ko alam kung anong klaseng babae siya. She’s too carefree, as if she  doesn’t care about her sorroundings. She’s too impulsive, adventurous, and too childish. Hindi ko alam kung bakit tinanggap siya sa bureau.  But I will have a choice, hindi siya ang pipiliin kong babaeng maging asawa. She’s just too much to handle. Kung gobyerno ako, rebelde siya. Tama, that’s the right description for her. A rebel. Dahil kung hindi sino ang matinong babaeng mas gugustuhing mag drag racing? Ang makipagbarilan, makipagsuntukan at makipaghabulan sa mga goons?

Pero ito ngayon, susunduin si Jamie Xiara  dahil sa utos ng mga magulang namin. Nagwoworry daw sila sa sitwasyon namin. Kung makaakto naman sila para kaming mga teenager at kailangan subaybayan ang pagsasama. In the first place, hindi naman kami nagsasama. Binantaan niya ako kagabi na kapag pinilit ko ang honeymoon na sinasabi ko, hindi na ako magigising kinabukasan tapos sabay sulyap sa compartment kung saan nakalagay ang baril niya. Para namang matitiis kong makasama siya kahit isang gabi lang.

Magdodoorbell na ako sana sa gate ng apartment nila nung bigla itong bumukas at bumulaga sa akin ang isang BAKLA! Pambihira naman, ang aga aga, Kailangan ba talagang bakla ang unang bumungad sa akin?

“Ohhhh… Hiiiii!” Nanlaki talaga ang mga mata at nagform ng O ang bibig ng bakla. Bwisit.

“Andyan ba si Xiara?”  Nakakunot noong tanong ko. Tiningnan ako ng bakla mula ulo hanggang paa na parang hinuhubaran ako. Pero ang masagwa, tumagal ang tingin niya sa ilalim tapos ngumiti ng makahulugan as if laughing at some personal joke. Nanayo ang balahibo ko.

“Yes of course. Pumasok ka lang. Maiwan ko na kayo at may pasok pa ako.” Sabi pa niya pero nakatingin na lang sa akin. Iniwan ko nga. Mamaya mahalay pa ako ng wala sa oras.

Bukas ang main door nila at ang screen door lang ang nakasara at kitang kita ang nasa loob ng bahay. Dinig na dinig din ang malakas na music. Magulong magulo ang apartment nila. Wala sa ayos ang mga sofa ang daming kalat. Throw pillows, magazine, tsinelas, basahan, damit. Parang basurahan ang bahay nila kasi nasa gitna ang trash can at umaapaw ang mga papel, empty canned juices and drinks. Yung mga kurtina, nasa baba na din ng sofa.  Naglilinis ba siya?

Narinig kong biglang lumakas ang stereo…

Go on, go on
Leave me breathless
Come on

Bigla siyang lumabas sa isang pinto habang kumakanta. She didn’t notice me pero napanganga ako. She’s wearing a tight very short gray cotton shorts na halos makita ko na ang singit and a white razor back sando na nakalitaw pa ang black bra niya. Napalunok ako bigla at parang nanuyo ang lalamunan ko lalo na nung sinabayan niya ng giling ang kanta. Potek!

The daylight's fading slowly
The time with you is standing still
I'm waiting for you only
The slightest touch and I feel weak.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!