28

Tiningnan ko ng masama si Gretchen at tiningnan din niya ako tapos tumawa ulit siya ng napakalakas. Kulang na lang magpagulong gulong siya sa sahig. Nangangati na akong ihambalos sa kanya ang sofa. Andito na ako ngayon sa apartment namin. Hindi na ako nagpahatid kay Jhudiel. Iniwan ko siya sa condo niya na nagingiti. At tuwing naalala ko ang ngiti niya, gusto kong itabi siya kay Gretchen para sabay ko silang hambalusin ng sofa.

“Tumigil ka nga!” Singhal ko sa atribidang bading.

“Alam mo, baliw ka Xiara. Hindi ko akalaing, umabot na sa ganyan ang  kabaliwan mo. Akalain mo ba naman, naglayas ka dahil hindi ka inano ng asawa mo? Atat much lang ateh?” Tiningnan ko ulit siya ng masama. 

“Tumahimik ka pwede?” Pero hindi niya ako pinansin. Parang wala lang siya narinig sa sinabi ko at parang hindi niya naramdaman ang talim ng tingin ko sa kanya.

“Alam mo teh,  Epic ka talaga. Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakilalang asawa na naglayas dahil nabitin sa sex. Ikaw lang talaga. Ikaw na! Dapat may rebulto ka na sa Monumento katabi ni Bonifacio tapos may caption. ‘Ang babaeng bitin’” Tapos tumawa ulit siya. Naningkit lalo ang mata ko. Bwisit na bading to. Dapat dinadamayan niya ako kasi kaibigan ko siya pero ito siya at pinagtatawanan ako.

“Hindi ka titigil Juanito?” Malakas na sigaw ko. Napatigil siya bigla sa pagtawa at nanlalaki ang mga mata napatingin sa akin.  Hindi makapaniwalang sinabi ko ang pangalan niyang tatlong dekada na niyang kinalimutan.

“Maghunos dili ka Xiara! Don’t say bad words.” Para pang nasusukang sabi niya sa akin. Ayan, dapat sa kanya ganyanin. Akala ba niya hahayaan ko siyang pagtawanan ng ganito? Hmp!

“At hindi lang bad words ang lalabas sa bibig ko kapag hindi ka tumigil sa pang aasar sa akin. Kapag nainis pa ako lalo, sayo ko ibubunton ang lahat ng frustrations ko kay Angelo Jhudiel at ikaw ang hahalayin ko Juanito!” Seryoso ko siyang tiningnan. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Umisod ako palapit sa sofa na kinauupuan siya. Umisod siya palayo.

“Hoy! Sinasaniban ka ba? Hi-hindi mo ba nakikita? Hindi tayo talo. Bading ako! Gay, baklush, berde ang dugo.” Seryoso ko pa din siyang tiningnan. Ni hindi ako ngumingiti. Instead tiningnan ko siya ng mataman na parang inaanalyse ang pagmumukha niya.

“Kunsabagay Juan, you’re not that bad. Pogi ka naman kung hindi ka magmemake up at kung gugupitan mo ng dos ang buhok mo. Matangkad ka din. You’re not that bad. Pwede ka na.” Umisod ako ulit palapitat umisod siya palayo hanggang sa mapasandal siya sa gilid ng sofa.

“Juan…Alam mo bang crush kita nung highschool?” Sabi ko pa at nakita ko siyang naduduwal. Pero siyempre hindi totoo yun. Pinagtitripan ko lang itong si Gretchen.

“Shit! Shit!” Mahinang sabi niya sa nangangatal na boses.

“Kung hahalayin kita ngayon, wala kang magagawa kasi alam mo naman na kayang kaya kita. Anong magagawa ng isang mahinhin na lalaki sa isang katulad ko?” Sabi ko pa at lalong lumapit sa kanya. Bigla siyang napatayo sa sofa. Gusto ko na talagang matawa pero pinipigilan ko. Gusto ko siyang matuto. Para hindi na niya ulitin ang pang aasar sa akin.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!