31

At sinamantala namin ang panahon na nasa farm nila kami. At isa pa, mukhang nag eenjoy naman si Jhudiel kaya pumayag akong magstay pa kami doon ng tatlong araw. At kelan pa ako naging considerate sa feelings niya?

Ohhh well, minsan talaga inaatake ako ng kabaitan kaya siguro napapayag ako.

At isa pa, nakakaenjoy, manguha ng mangga at maligo sa ilog kasama si Raziel.  Naikwento na niya sa akin ang nangyari sa kanya at natutuwa talaga ako na may ka close na akong greenminded. Masarap din siyang gumawa ng macapuno candy. Talented daw kasi siya talaga pagdating sa mga bagay na green.

At isa pa, may plano akong maligo sa ilog pagkaubos ng dinuguan. Para kasing ang sarap. Kahit kasi taga probinsiya ako, wala namang malapit na ilog sa amin. Kung meron man, hindi naman ako pinayagan nina Mama at papa na pumunta dun.

“Pupunta ka dun?” tanong ni Raziel sa Kuya niya habang nagbbreakfast kami.

“Oo at tutulong na din. Ikaw?”  Baling nito kay Raziel.

“Of course not! Masisira ang malaporselana kong kutis.” Sabi pa ni raziel na parang diring diri.

“Arte! “  Reklamo ni Jhudiel.  Nag uusap sila sa pagpunta sa taniman ng palay. May ganun sila dito. Medyo malawak talaga ang lupa nila.

“Paki mo? Magtitinda na lang ako ng buko kesa sa magtanim ng palay. Gusto mo akong samahan Xia?” baling sa akin ni sister in law.

“Gusto kong magtanim ng palay eh.”  Nanlaki ang mga mata ni Raziel.

“Sigurado ka?” Halos hindi pa ding makapaniwala na sabi niya.

“Oo naman. For experience. Sasama ako ha!”  Baling ko kay Jhudiel.

“Sure!” Nakangiting sabi niya.  Nag iwas ako ng tingin agad. Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin? Simula nung..nung usapang baby ganyan na siya makatingin sa akin. At kapag tinanong ko naman ngingiti lang. Seriously, he creeps me out.

Pagkatapos kumain, niyaya na niya akong aalis na daw kami. Akala ko naman sasakyan ang gagamitin namin papunta sa palayan daw nila pero nagulat na lang ako nung pumunta kasi sa kwadra at inaayos ng isang groom ang kabayo.

“Dyan tayo sasakay?” Gulat na tanong ko sa kanya nung nasa harap na kami ng kabayo.

“Oo. Mas mabilis. Malayo kasi ang lalakarin natin kung ang jeep ang sasakyan.” Kinuha na niya ang tali ng kabayo sa groom at hinimas himas ito. Sarap na sarap naman ang kabayo. Pucha!

“Tayong dalawa?” Correction lang hindi ako takot mangabayo, kahit na hindi pa ako nakasakay dito kahit kailan. Takot ako sa posibilidad na magkatabi kami sa iisang kabayo. At kung mamanyakin niya ako wala akong ibang choice kundi ang magpamanyak o tumalon. At siyempre, ayaw kong tumalon. Ayaw ko pang mamatay noh! Utang na loob.

“Kung marunong ka, may isa pang kabayo.” At sa klase ng tingin niya sa akin, alam kong alam niya na hindi ako marunong. Dahil kapag alam niyang nangangabayo ako, why the hell would he prepare only a single horse? At saka ang alam ko lang sa kabayo ay ang pagpusta.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!