12

“Anong full payment ang pinagsasabi mo?” Patay malisyang sabi ko. Pinalaki ko pa ang mga mata ko na parang inosente sa mga pinagsasabi niya.

“Ang dami mong utang sa akin.”  Pinilit kong alisin ang braso ko sa kamay niya pero lalong humigpit ang hawak niya. Kailangan kong makatakas sa kanya. Baka halayin niya ako bigla.

“Utang?” Painosenti ulit. Xiaraaaaaaaaaaa! Mag isip ka na ng lusot habang maaga pa.

“Gusto mo ng listahan?” Nanlilisik na ang mga mata niya. Sarap lang dukutin. Actually, pwede ko naman siyang sipain sa ano..sa…bird niya pero baka dumating ang araw na gumanti ang bird at tukain ako.

Tiningnan ko siya ulit. Ang sama na ng tingin niya sa akin kaya pinikit ko na lang ang mga mata at huminga ako ng malalim at….

“RAPEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!” Buong lakas kong sigaw. Tatakpan niya sana ang bibiog ko nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nagpasukan ang ibang kasamahan namin. Napangiti ako ng sekreto at tiningnan si Jhudiel na pulang pula. Ang sama kasi ng tingin sa kanya ng mga kasamahan namin. Lalo na nung mga kakilala ko. Hehe.

“Xiara okay ka lang?” Tanong ng isang kasama kong si Carlo. Siya palagi ang kasama ko sa mga operation.

“Oo naman yes. Sabi kasi ni Jude ililibre niya ako ng cake. Kaya sumigaw ako ng cake. ILILIBRE NIYA DAW TAYONG LAHAT!” Ang laki ngh ngisi ko. Ang sama ng tingin sa akin ni Jhudiel. Nagdududa naman ang mga kasamahan naming sa kanya. At bago pa niya ako mapigilan, nauna na akong naglakad.

“Yes, makakatikim na din ako ng cake.” Pasayaw sayaw pa akong lumabas ng kwarto. Ang totoo gusto ko ng maglupasay sa tawa. Kala siguro ng mokong na yun maiisahan niya ako.

Pero hindi ako nakatikim ng cake. Haha. Kumain kami sa isang 24 hours na fastfood kasi madaling araw na kami nakatapos. At habang nagmemeeting kami, hindi natigil ang sama ng tingin ni Jude sa akin. Iniiwasan ko naman siya.  Dala ko na ang sasakyan ko at nagulat na lang ako nung paalis na ako ng fastfood chain nung bigla niyang binuksan ang passenger seat at sumakay ng kotse ko. Hindi na ako nakareklamo kasi nga ang sama na agad ng tingin niya sa akin. Yung tingin na kapag nagsalita pa ako, papatayin na alng niya ako bigla.

I’m so scared kaya. Hihi.

“Akala mo makakatakas ka sa mga atraso mo sa akin habangbuhay?” Sabi niya nung nagbabyahe na kami. Tiningnan ko lang siya and I smirked.

“Hindi. Pero alam mo in the first place, wala naman talaga akong atraso sayo. Kung tutuusin hindi ko naman kasalanan kung naging tanga ka. I’m just making the most out of the situation.” Sasakalin na ako niyan. Sasakalin na ako. Hihi.

“Baka nakakalimutan mo na asawa pa din kita!”  Angal niya. Gusto ko ng matawa sa sitwasyon. Pikon na pikon na siya. Tuwang tuwa pa naman ako pag may napipikon.

“Paano ko naman makakalimutan, kanina lang tayo ikinasal. Why did you brought up about our marriage? Bakit? Gusto mo ng byaheng langit?” Kinindatan ko siya. I don’t know but he suddenly turned red.  Kapag sinuswerte ka nga naman. Magkaroon ba naman ako ng pikon na asawa.

“Tumigil ka Jamie Xiara!” Singhal niya sa akin. Why suddenly so cute Jhudiel?  Naaliw na tuloy akong kasama ka. At dahil sa sinabi niya bigla akong nagbreak. Masunurin akong bata eh. Muntik na naman siyang masubsob. Buti na lang talaga at responsible citizen siya na nagseseatbelt kaagad. Sayang! Pero okay na din yun, saying ang face in case na mayupi.

“What the fuck!” Ayan na naman ang deadly stare niya. Nasasanay na ako dyan. Tiningnan ko siya ng painosente. Basang basa pa ang question mark sa mukha ko.

“ What? Sabi mo tumigil ako. Nung sinunod kita, nagalit ka naman. I don’t get you. Ang gulo mo.” Kunyari ako pa ngayon ang galit.

“Don’t test my patience Jamie Xiara.” He said throught gritted teeth. This time alam kong galit na galit na siya kaya umayos na ako. Nakakatakot kasi baka maubusan ng dugo. Titigil na ako. Bukas naman. Wahahaha. Pinaandar ko ulit ang kotse habang sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.

“Nagsisisi ka na ba at ako ang pinakasalan mo? Magpapa-annul na yan.” Binigyan niya ulit ako ng kanyang pamosong deadly stare. I just chuckled. Hinilot naman niya ang temple niya. Napatawa naman ako.  Tapos tiningnan ko siya nung nagred ang light. Kung gaano katagal na pula ang traffic light ganun din katagal ko siyang tiningnan. Alam kong alam niyang tinitingnan ko siya pero hindi siya lumilingon sa akin. At nung siguro hindi na niya makayanan. Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo.

“Will you stop staring at me!” Singhal ulit niya. Ngumiti lang ako at pinaandar ulit ang sasakyan nung nag go.

  “Why so suplado always Jude? Why so masungit? Why so serious? Why so proper all the time? Natatae ka ba?”

“Kapag hindi ka pa tumigil Jamie Xiara, sa kalsada magaganap ang honeymoon natin.” Mahina pero puno ng conviction na sabi niya. Naks! May conviction! Haha. Pero…sige na nga!

Titigil na nga. Bukas ulit. 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!