Five

Mga limang minuto akong nakatitig sa halos hubad na katawan ni Jhudiel. Hmmmm…. Not bad. Not bad at all. Pwede ka na sanang ulam kung hindi ka lang manyak at isang jerk. Pero ano nga? Paano ko magagawa ang plano ko kung hindi ko makayang hubarin ang boxer shorts niya?

I contemplated more tapos kinuha ko ang cellphone ko and dialled a number.

‘Hello?’ Malanding bati ng nasa kabilang line.

“Saan ka ngayon Gretch?” Napatingin ako ulit sa katawan ni Jhudiel tapos huminga ng malalim.

‘Here lang sa house, bakit mo kasi ako sinama sama pag umuwi, alam mo naman na walang night life dito sa Batangas.’ Napangiti ako. Si Gretchen yung bading na kasama ko dati at siyang nagmake up sa akin. Kasamahan ko din siya sa apartment na narirent ko at magkababata kami simula elementary. Simula elementary din, full pledge bading na siya.

“Punta ka dito sa beach ng mga Villegas. May nirent na akong room. Night swimming tayo.” Sabi kong nakangisi. Nagkumahog naman si Gretchen. Ngumisi ako pagkababa ko ng phone.

After 15 minutes  dumating na si Gretchen na nakamicro mini short at pink sleeveless dress.

“Whoaaaaaaaawwww!” She/he exclaimed upon entering my room. Tapos nakangangang lumapit kay Jhudiel na nakahiga at tulog na tulog sa itaas ng kama.

“Nakabingwit ka ng Diyos ng dagat?” Feeling ko unti na lang maglalaway na si Gretchen. Hindi na maalis ang tingin niya sa taong nakahiga sa kama.

“Diyos ka dyan. Siya si Angelo.  Ang ex-fiancee ko. Siya din ang kinuwento kong lalaki sayo na nanghawak ng boobs at behind ko at sinabing silicon lang ito. Ang kapal ng mukha di ba?”  

“Eeehhh da bah, sabi mo Jude ang pangalan nung manyak?”

“Angelo Jhudiel ang totoong pangalan ng walanghiyang yan.  Ngayon ko lang nalaman. “ Napatingin bigla sa akin si Gretchen.

“Jhudiel? Baklaaaaaa!!” Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tili niya tapos nagtatakang tumingin sa kanya.

“Letter J. Letter J ang pangalan niya. Siya ata talaga ang nakatakda para sayo!” Nagtitili pa ding sabi ni Gretchen.

“Tigil tigilan mo nga yang hula hula na yan Gretchen. Nagpapaniwala ka dun sa pekeng manghuhula.” Siya kasi ang kasama ko nung college nung may nanghula sa akin tungkol sa lalaking nakatakda daw sa akin. Hindi naman ako nagpapahula, niyaya lang talaga nitong si Gretchen at ano ang napala ko? Pinagtripan ako ng manghuhula. Obvious na obvious na fake siya.

“Hindi yan bakla! Ayan J na siya titingnan na lang natin kung may nunal sa dibdib at sa ano!” Tapos tumakbo siya papunta sa kama bago ko pa siya mapigilan.

“Aaaaayyyy!!! Bakla! Look!  May nunal siya sa dibdib. Siya na nga!” Napatakbo naman agad ako kay Gretchen at nakita ko siyang hinihimas ang dibdib ni Jhudiel . At may nunal nga siya sa dibdib. Pero madami namang tao ang may nunal sa dibdib. Pustahan tayo, wala siyang nunal sa ano.

“Kailangan himasin Gretchen?” Hinampas ko ang kamay niya para tumigil kakahipo kay Jhudiel. Ang manyak lang eh.

“Siempre! Para ma prove kung totoo ang nunal. Pero infairness bakla, ang gwapo niya at ang macho. Kung siya ang magmamanyak sa akin, sisigaw ako ng rape at pipikutin ko siya. Tara, tingnan natin kung may nunal nga sa you know…” Tapos humagikgik siya.  Ang lagkit lagkit ng tingin niya kay Jhudiel. 

“Kaya nga pinapunta kita dito para dyan. Kasi hindi ko kayang hubaran siya. Kinikilabutan ako kaya ikaw na ang gumawa.” Tumingin siya sa akin tapos ngumisi. At akmang huhubarin na niya nung pigilan ko siya.

“Wait lang! At yung kamay mo sa gilid lang. Wag kang manghihipo.” Tinakpan ko ng kumot ang lower body ni Jhudiel. Gosh! Ayaw kong makita. Virgin pa ang mata ko! Pero tiningnan ako ng masama ni gretchen at pinandilatan ko naman siya.

“Ang KJ mo talaga bakla!” Reklamo pa niya pero halatang excited na sa kanyang gagawin.

“Dapat makita natin para malaman kung may nunal nga o wala.” Hirit pa niya.

“Tumigil ka nga Gretchen at pwede ba, tigil tigilan mo na yang tungkol sa hula na yan! Bilisan mo na at ng makaalis na tayo.” Pinagmamasdan ko siya  at ang kamay niya. May papikit pikit pa siya nalalaman.

“Bakla! Package deal ata ito!” May pakagat labi pa siyang nalalaman.

“Umayos ka nga! Wag kang manyak!” Pero aaminin ko na parang kinakabahan ako sa ginagawa namin. Hidni dahil sa takot akong mahuli kundi dahil bakla maalis ang kumot na nakatakip sa katawan ni Jhudiel.

“Para mo na ding sinabing wag akong huminga bakla!”  Pinagpapawisan na si Gretchen at pati ako pinagpapawisan na din. Hindi ko akalaing ganito pala kahirap ang maghubad ng lalaki.

“Bilisan mo na!”

“Ito na! XL bakla! XL!” Tapos itinaas niya ang boxer shorts at napangiwi ako.  Ipinatapo ko sa kanya agad kasi mukhang may plano pa siyang gawing souvenir ang boxer. Ang landi talaga ng baklang ito. Pinalayo ko siya habang kinukuha ko ang cellphone ko at nagtetext.

Nung wala pa kanina si Gretchen kinuha ko ang number ni Jhudielby calling my cp tapos dinelete ko ang call log. AT ngayon nga itetext ko siya. Di ko maiwasang mapangiti. Pagkatapos kong magtext, I press send.

Tapos binasa ko ulit ang text ko.

‘Jude, you never knew how happy you made me feel tonight. It was such a very special night and I thank you for it. You made me feel whole and I will treasure it forever. I will never forget you and as a souvenir I took some pictures of us together. You made me feel so desirable, as if you can’t get enough of me. You are so rough na feeling ko mababasag na ang mga silicon ko. Ayaw ko mang iwan ka but I really have to go  dahil ipapaayos ko pa ang dibdib ko na tumabingin ata ang silicon. I will always get in touch with you because I know that we share something common and special. Hinding hindi ko makakalimutan ang masayang gabing pinagsaluhan natin. xoxo. Xiara.’

Niyaya ko na si Gretchen na lumabas sa pagrereklamo niya at habang papalabas ng resort, hindi maalis alis ang ngiti ko sa labi.

I can almost imagine his reaction upon waking up at sa oras na mabasa niya ang message na may nakaattach na picture namin.

Bwahahaha!

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!