Chapter 22

“Kasalanan mo to! Kung sinunod mo lang sana ako hindi tayo ipinatapon dito.”  Galit na galit at namumulang sabi niya sa akin.

“Hindi! Ikaw ang may kasalanan. Kung hindi ka nakialam sa operation at sinunod mo ang plano na dapat kasama ako eh di walang gulong nangyari. Masyado ka kasing nagmamagaling. Tingnan natin ngayon ang galing mo.” Tas naglakad na ako papunta sa shore. Inikot ko ang paningin ko sa isla. Infairness ha! Kung makapili itong si Chief ng isla, bongga. White sand, uninhabited at walang signal. Napapailing na lang ako.

Pambihirang life! Parang buhay lang. Nahiga ako sa buhangin at ipinikit ang mga mata ko. Kunsabagay maganda na ring bakasyon to. Pero sana naman pinatapon na lang din kami ni Chief sana sa mas sibilisadong isla naman. Halimbawa na lang sa El Nido, o Amanpulo o kung nagtitipid naman siya pwede ko naman pagtyagaan ang Bali o kaya Jeju Island. Si Chief talaga minsan cheap ang taste!

“What now?” Dumilat ako at inilihis ang shades ko pagkarinig ko ng boses ng butihin kong asawa.

“Anong what now?”  Problema nito?

“Ano na ngayon ang gagawin natin na pinatapon tayo sa islang to? Wag mong sabihing magsunbathing ka na lang dyan hanggang sa matusta ka at mamatay?”  Tumaas ang kilay ko kahit na nakahiga ako.

“Of course not! Hindi na nakakatusta ang araw ngayon kasi tag ulan.” Binalik ko ulit ang shade ko at pumikit. Ahhhh.. this is life! Mamaya na ako magswimming.

“Jamie Xiara!” narinig ko ulit ang galit niyang boses. Naiinis na ako ha! Istorbo to sa pagrerelax ko. Paano ako makakarelax kung may sumisigaw sa tabi ko? Badtrip talaga.

“What!? Ano bang problema mo?”  Bumangon na ako at naupo. Pinagpag ko na din ang buhok kong may mga buhangin pati ang damit ko.

“You don’t know what my problem is?” Eksaheradong sabi niya.

“Would I ask if I know?” Kung na lang na idagdag ko na ang tanga niya. Wala ba siyang sense common? Tss.

“Okay, here is OUR problem. In case you still haven’t grasp our situation. We’re in an isolated island. We don’t have food, we don’t have water and walang plano sina Chief na balikan tayo. And now you’re sunbathing na parang nagbabakasyon ka lang.”  Evident na evident ang inis sa boses niya. I regarded him with interest and I conclude na nagpapanic siya.

“Of course, alam kong walang plano sila Chief na balikan tayo kaya nga iniwan tayo di ba? At alam ko din na wala tayong tubig at pagkain. So anong problema dun?” Tiningnan niya ako na parang nagkaroon ako ng sampung ulo dahil sa sinabi ko and I’m the dumbiest person in the world that he’d have the misfortune to met.

“You still didn’t get it do you? We could die here. Paano kung may wild animals dito? Or we could die of starvation and thrist.” Again I rolled my eyes. Nagtataka ako tuloy. Saan ba to nag elementary at hindi ata naranasan ang maging boy scout.

“Of course may wild animals dito. Isolated island eh. And maybe, you could die of starvation and thirst pero ikaw lang yun. Wag mo akong isama sa kamatayan mo.” He looked at me gaping. Hays… yan ang hirap sa mga mayayaman. Kunting kahirapan lang akala mo, mamamatay na agad.

“Nasaan na ang vow mong...for richer for poorer, in sickness and in health, till death do us part? Anong klaseng asawa ka?” Gusto kong matawa sa sinabi niya. I remind ba naman ako na kasal kami. Well… nakakalimutan ko talaga kadalasan na mag asawa pala kami.

“Siyempre isang ulirang asawa.  Kaya nga pag namatay ka dito hindi ko iiwanan ang katawan mo basta basta. Ililibing talaga kita. Promise yun.” I grinned at him at sinamaan naman niya ako ng tingin and he grimaced. Ang cute niya mag inarte. Ganito pala ang reaksiyon ng mga lalaking sosyal at maarte ano?

“You’re impossible Xiara. I don’t know how you could find humor in this kind of situation.” Iiling iling na lang na sinabi niya. I just grinned at nahiga ulit sa buhangin. Life! Nilagay ko ulit ang shades ko sa mga mata ko and I smiled. This is what you call life!

Nararamdaman ko pa din ang tingin niya sa akin kahit nakapikit pa ako. Kaya dumilat ako para tingnan niya. He had a look of disbelief in his eyes. Na parang sa ganitong sitwasyon ay nakuha ko pa talagang magrelax. Eh sa ganun ako eh. Alangan naman na magpanic ako katulad niya. May magagawa ba ang panic niya? Ma tatransport or mateteleport ba kami nun sa bayan? Di ba hindi?

“Angelo Jhudiel…Chill. Relax. Hindi mo ba napapansin survivor ito? Maya maya lang darating ang mga crew at camera men at siempre ang mga tools natin at ang pagkain. Kaya relax ka lang dyan. Magsunbathing ka  na lang din kung gusto mo.”  I closed my eyes again kasi nakikita ko ang butas ng ilong niya habang nakatayo siya at nakatunghay sa akin.  

“You think this is a freaking reality show?” Irritated pa ding sabi niya. Hmmm… mauubusan siya ng dugo dahil sa pagiging worry freak niya.

“Of course not! I know this is not a show but a reality. All we have to do is to survive. Kung hindi mo kaya, eh di tama lang na magpanic ka na talaga kasi mukhang dito ka ililibing sa islang ito. Kaya kung ako sayo, marunong ka naman atang lumangoy, simulan mo na at ng makarating ka sa pinakamalapit na bayan bago magkatapusan. For the meantime, lumayo ka muna sa akin dahil nahaharangan mo ang kakarampot na sikat ng araw.” I smiled secretly. Kung hindi siya lalangoy sa dagat, I wonder kung paano siya magsusurvive sa islang ito?

Gaano ka kaya katibay Angelo Jhudiel Villegas?

Will you be able to outwit, outplay, outlast the snakes, the beetles and the bees? LOL.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!