Fourteen

237K 3.6K 221

Thanks for the comment last chapter and for knowing one of the personalities of Xiara. 

 14

“Pakiabot nga ng kurtina.” Sabi ko sa kanya nung naglalagay na ako ng mga kurtina. Kanina pa siya dito sa bahay at tinulungan akong maglinis. Good boy talaga ito. Masunurin. Qualified sa pagiging katulong and certified-future- under de saya. Hahaha. Pumayag na akong pumunta sa bahay niya para icheck kung pwede nga akong tumira doon. Mag ooccular inspection muna ako. At dahil hindi pa ako tapos mag ayos ng apartment hindi muna kami aalis. Kaya tinutulungan niya ako para daw madaling matapos. Eh di masaya! May assistant ako.  

“Hindi ko talaga maiintindihan kung bakit kailangan tayong magsama sa iisang bahay. May mga sarili naman tayong bahay.” Sabi ko habang nakaupo na sa sofa at umiinom ng juice na tinimpla ni Jhudiel. Katulong na katulong talaga ang dating. Tapos na kaming mag ayos at nagpapahinga na lang. Pero ang totoo, pinapatagal ko lang pagpunta sa bahay niya.

“Maliban sa yun ang gusto ng mga matatanda, mas makakatipid tayo kung sa iisang bahay lang tayo. Bilang lalaki, it is my responsibility to provide for my wife but it is impractical if I would be paying for 2 electric bills. Mas makakatipid tayo sa kuryente at tubig kung sa iisang bahay lang tayo. Hindi magastos sa aircon kung sa iisang kwarto lang tayo matutulog. Hindi magastos sa gas kasi pwede na tayong magsabay sa isang kotse.” Habang naglilitanya siya lalong tumataas ang kilay ko.

“Kung magsalita ka parang namumulubi na kayo.” At isa pa, sino ba ang nagsabing siya din ang magbabayad ng mga bills dito sa apartment? Pero hindi ko na sinabi yun. Malay mo totohanin niya eh di makakalibre kami.

“It’s called practically.” Uminom ulit ako ng juice at tiningnan siya ng mabuti. Then I smiled swettly at him.

“O baka naman gusto mo lang masolo ako?” Wahaha. Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya and wiggled my eyebrows. Hindi ko alam pero angs arap talaga niyang tuksuhin. Aliw na aliw ako specially kapag namumula na siya. Parang may binubully akong elementary student. Alam ko din na hindi kagandahan itong ginagawa ko  pero matanda na kaya siya parta ipagtanggol ang sarili niya sa isang bully na katulad ko. Haha.  

“Paano kung ganun nga?” Napaatras bigla ang mukha ko nung sinabi niya yun. Diretso na din ang tingin niya sa akin. Siya na mismo ang lumapit sa akin. Hinayupak! Bakit bigla akong nailang? Ako kaya ang nambubully dito?  

“Might as well give to our parents what they  are expecting from us.” Sabi pa niya sabay lapit. Umusad ako palayo at umusad din siya palapit sa akin. Teka nga! Teka nga! Di ba ako ang nambubully dito? Bakit parang ako pa ang natatakot?

“May ineexpect sila sa atin?” Kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin tinanong ko pa din yun para madistract siya. Or rather ako kasi nalulunod ako sa klase ng tingin niya. Come to think of it. Ngayon ko lang napansin na hazel ang color ng mga mata niya. And when he looked at me, parang…parang hindi ko na kayang i-break ang eye contact namin. Gustong gusto kong tingnan ang mga mata niya. Hindi pa ako nakakita ng ganyang ka clear na mga eyes.

“Yes. Apo.”  I blink plenty of times para madistract ako. Stop Jamie Xiara! Stop having eye contact with him. Pero hindi ko kayang mag stop! Hanggang sa mapansin kong nakocorner na niya ako sa sofa. Wala na akong uurungan.  Poooooooteek!   Holy Shit, Paksyet, Shitness at lahat na ng shit. Dahil alam ko kung saan patungo ang sitwasyon na ito. Ilang beses ko ng napanood ito. Napakacliche na hindi ko pa mahulaan.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!