23.

Xiara’s POV:

“Akyatin mo ang buko.” Tiningnan niya ako na para akong isang alien tapos tumingin siya sa puno ng niyog na sobrang taas.

“What!?” Pahysterical na sabi niya.

“Anong what? Ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Tinagalog ko na nga para hindi ka mahirapan.” Ang bilis na uminit ng ulo ko. Nagugutom na kasi ako. 5PM na at wala pa akong lunch at meryenda kaya naman nagugutom na ako.

“Hindi mahirap intindihin ang sinabi mo. Pero mahirap umakyat sa puno ng niyog. Hindi ako marunong.” Baliwalang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Anong klaseng lalaki siya at hindi siya marunong umakyat ng puno?  To think na tagaprobinsiya din siya.

“What!?” Turn ko naman ang mapa-what. I swear, promise, hindi pa ako nakakita ng lalaking kasing hinhin niya.

“So hahayaan mo na lang na mamatay tayo dito sa gutom? Anong klaseng asawa ka? You can’t even provide food for me.” Ahhhh..gutom na gutom na gutom na talaga ako.

“Bakit ka ngayon nagpapanic? Samantalang kanina parelax relax ka lang? Tapos ngayon paakyatin mo ako sa buko!” Tiningnan ko siya ng masama. Gusto kong sabunutan ang buhok niya, gusto kong sampalin ang mamula-mulang pisngi niya, gusto kong suntukin ang malamlam niyang mata para magkablack eye pati na rin ang matangos niyang ilong para tumabingi at ang kissable lips niya…. Ahhh gusto kong… gusto kong…ano ba ang magandang gawin sa lips maliban sa halikan?

“Kasi hindi pa ako gutom kanina. Ngayon gutom na ako. Tumikwas ang kilay niya. Sarap ahitin.

“Kaya pipilitin mo akong umakyat ng buko? Ganun? Paano kung mahulog ako?”  Huminga ako ng malalim at ngumisi ako ng pilit sa kanya. 

“Ganito yun. Kung mahulog ka, eh di mababalian ka. Tapos mamamaga yan, tapos maiinfection tapos mamamatay ka na. Yun ay kung hindi ka agad mamatay pagkahulog mo. “ I said in a sarcastic way with a sarcastic voice.

“So wala kang pakialam kung mahulog man ako basta makakain ka lang? Kung gusto mong kumain ng buko eh id ikaw ang umakyat.” Lumapit ako sa kanya and..,

“Rawr!” I acted like clawing him tapos tinalikuran ko na siya. Nakakbwisit! Naglakad lakad ako para mawala ang inis ko kay Jhudiel at para na rin makahanap ng makakain.

Sa paglalakad ko, I saw seashells at the seashore so I picked them up. Mabuti na lang talaga at fresh pa isla na to kaya madami pang nagkalat na makakain dahil kung hindi, paakyatin ko sa buko si Jhudiel sa ayaw at sa gusto niya. Sa pag-iikot ko, nakarating ako sa may mga mangrove at sa may bandang ilong where saltwater and freshwater meet. Then may nakita akong tatanga tangang isda na na trap sa isang root ng mangrove at hirap na hirap sa pag alis. Dahil naawa ako sa isda, pinakawalan ko siya. Joke lang. Ano ako tange? Gutom na kaya ako kaya kinuha ko ang isda gamit ang pinatulis kong sanga ng kahoy kanina.

Bumalik na ako sa lugar kung saan may ginawang makeshift pahingahan si Jhudiel kanina nung nagsasunbathing ako and started making fire. Buti na lang talaga at girlscout ako at dala ko lagi ang swiss knife ko.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!