Ayan na, nagdedicate na talaga ako kahit hindi mo hinihingi. Sinulat ko pa sa kaperasong papel para hindi ko makalimutan na  kailangan na kitang i-recognize. Hindi kasi ako makakareply pag sa office ako nagbabasa ng comments kasi hindi ako nakalog in. Blocked ang wattpad at nakaw na sandali lang ang ginagawa ko. At nag eexplain ako kasi guilty ako, Nakunsensiya naman ako dahil sa sinabi mo dahil totoo talagang minsanan lang akong magreply sa mga comments. Huhuhu! 

32

Talak ako ng talak habang naglalakad kami na puno ng putik ang katawan.  Gigil na gigil ako na gusto ko siyang sabunutan. 

“Grrrr!” Sabi ko habang naglalakad kami papuntang kabayo niya. 

“Chill.” Sabi pa niya na lalo kong kinainis. Chill?

“Ikaw kaya ang i-chill ko dyan?” Asik ko sa kanya and he just laugh. Seriously, bakit ba tawa siya ng tawa? 

“Ang layo pa ng tatakbuhin ng kabayo mo at bago tayo makarating sa bahay, tuyo na ang mga putik na to. Alam mo ba kung gaano kahirap alisin to!?” Iniisip ko pa lang ang pagkiskis na gagawin ko sa katawan ko, naiirita na ako. 

“ Gusto mo ako na lang ang aalis ng mga yan.” He said and I knew full well that he is teasing me. At nahihirapana akong pakisamahan ang ganitong ugali niya kasi nasanay ako sa pikon na Jhudiel. Hindi ako sanay sa playful na Jhudiel. 

“Shut up!” I shouted at him. He just chuckled at patuloy na naglakad. Sumusunod ako sa kanya hanggang sa napansin ko na mali ang daan na nilalakad namin. At bakit kami naglalakad? Nasaan ang horse. At lalakarin namin hanggang sa bahay? Baka aabutin kami hanggang bukas nito.

“Teka! Hindi ito ang daan pauwi ah. At nasaan ang kabayo mo?” Wag na wag lang niyang sabihin na maglalakad kami dahil sasabunutan ko siya. 

“Hindi pa tayo uuwi. Maglilinis muna tayo.” I was relieved upon hearing that. At kahit siguro, saan niya ako dalhin basta makapaglinis lang ako ng katawan papayag ako. Kaya sumunod lang ako sa kanya at naglakad pa kami ng another 20 minutes bago bumungad sa akin ang isang bungalow na hindi mo aakalaing meron sa gitna ng palayan at manggagan at kung ano ano pang may –an sa dulo. 

The house is concealed by tall tress na kung hindi mo alam na andito, hindi mo matatagpuan. 

“Kaninong bahay to?” Tanong ko nung binubuksan na niiya ang gate. AT obvious na hindi sa kanya kasi ginagamitan niya ito ng swiss knife. 

“Kay Ralph.” Pasimpleng sabi niya at pumasok nung nabuksan na niya ang lock ng gate. And now bubuksan na naman niya front door. 

“Hoy masisira yung credit card.” Saway ko sa kanya nung kinuha niya ang card sa wallet niya. Pinagplanuhan  talaga niya ang panrewrestling sa akin kanina kasi iniwan niya ang wallet niya sa isang tauhan nila bago ako kinulit. 

Tsaka hindi ako makakapayag na sirain niya yang credit card. Yan ang ginagamit kong pang purchase ng mga gamit sa bahay, pag pinalitan niya yan baka ibahin ang code.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!