19

I tried to calm myself.  I keep on telling myself na hindi niya alam na ako ang may pakana. How the hell did he know? Hindi halata ang cam na yun? Shit!

I was pacing back and forth the room nung bigla itong bumukas. I’m sure he used a spare key dahil nilock ko yun kanina. Napalunok ako.

Nakatapis pa din siya ng tuwalya. Hindi man lang siya nagbihis muna? Hindi man lang nahiya sa akin. Tiningnan lang niya ako tapos umupo sa upuan na knina inuupuan ko. Naglagay ng coke at kumain ng doritos. Pwede akong magkunyaring hindi niya alam pero alam kong alam niya.

And besides ganyan na ganyan ang gawi ng isang taong handang manikil ng kapwa. Sa tagal ko ba naman sa bureau, malamang alam ko na ang style na ganyan.

Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain at nakatingin sa macbook ko. Tapos ngumiti siya. A joyful and triumphant smile. Smile ng mga nakadivirginize. Takte! Ba’t yun ang una kong naisip? Kinakabahan na talaga ako kasi hindi naman magpapanic ang isip ko kung hindi ako kinakabahan.

“If you wanna see it, why didn’t you tell me?” Sabi niya bigla na nagpaputla sa akin.

“Huh?” Yun lang ang nasabi ko. Huh ka dyan Xiara. Buking na buking ka na. Nakalimutan mo kasi na parehas kayo ng trabaho ni Jhudiel kaya malamang supplier din niya ang binilhan mo ng cam at malamang alam niyang camera yung nilagay mo. Ulats ka!

“Gumastos ka pa, eh ang mahal ng camera na yun.” Mahinahong sabi pa din niya. He’s right. Mahal nga yun. Pero ano ba! Pinagpapawisan na ako ng mas malapot kesa kanina.

Pwede mo namang itanong sa akin, nagpapakahirap ka pa.

“I don’t wanna see whatever it is.” Totoo naman yun. Hidni naman talaga yun ang gusto kong makita. Gusto ko lang makita mole. Ang mole ang pakay ko at hindi ang bird.

“Really? Nonetheless, di ba mas maganda naman kung live?” Napalunok ako. Live? Just like what he did before? You know? At the gay bar? Nag init bigla ang pisngi ko nung maalala ko ang scene na yun.

Tumayo siya at lumapit sa akin.  Napaatras ako. Maghuhubad ba talaga siya sa harap ko? O baka ang mas magandang tanong, kakayanin ko ba pag naghubad siya sa harap ko?

Then hinwakan niya ang buhol ng tuwalya niya and slowly undo it just like what he did a while ago. Live nga ito! My God!

“Don’t do it!” Banta ko sa kanya.

“Why not? Di ba ito ang gusto mo?” Gusto kong isigaw na hindi ako manyak at pervert pero maniniwala ba siya?

“Noooooo!” Wagas naman kung makasigaw ako. Para akong hinahalay. Pero feeling ko yun nga ang nangyayari. Napapikit na lang ako to protect myself from the impending doom. Doom? Wahaha.

“Look at me.” Udyok pa niya pero mas lalo ko namang ipinikit ang mga mata ko. Ayaw ko ng live! Ayaw ko! Mapapatay ko si Gretchen sa pinagawa niya sa akin! Mapapatay ko talaga siya.

“Oh God! Oh God! Ohh my God!” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw. Shucks! Sino ang hindi mapapasigaw pag may lalaking biglang maghubad sa harap mo? Kahi lola magsisisigaw!

“Hoy Jamie Xiara! Kung makasigaw ka, akala mo naman nakahubo na ako.” Sabi niya ng nakatawa. Alam kong tuwang tuwa siya sa pinaggagawa niya at  hidni ko alam ang hitsura ko. Basta ang alma ko sobrang nag iinit na ang pisngi ko.

“Hindi pa ba?” Nakapikit pa din ako. Akala ko talaga nakahubad na siya.  

“Hindi pa.” Sabi niya. Agad ko namang binuksan ang mga mata ko. Oo nga pala. Kanina nakabriefs na siya kaya malamang ngayon nakabrief pa din siya. Bakit ba hindi ko yun naisip? Niloloko lang niya at tinutukso ako ngayon. Nagpaloko naman ako.

Pero nung binuksan ko ang mga mata ko kasabay nun ang pagbukas ng bibig ko. Napanganga ako kasi…kasi I saw him in all his naked glory right in front of me.

Right in the very front of me.

Shit!

“Oh My GAHDDD!!” Napatakip ako sa bibig ko. Dapat sa mata para hindi ko makita pero ewan at bakit sa bibig ko nailagay ang   kamay ko. And when I can’t take it anymore, nagtatakbo ako palabas ng kwarto while shouting…

“SINUNGALING KAAAAAAAA!!! SINUNGALING!”

Narinig ko pa ang lakas ng tawa niya bago ko pabagsak na isinara ang pinto.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!