20

Napatingin ako sa kanya at ngumisi siya. Ahhhhh! Bwisit! Ba’t ko ba nakalimutang bitbitin yun kanina nung tumakbo ako?

“Put your hands on your back.” Sinunod ko naman siya. Umikot siya sa likod ko at pinosasan ako. Peste! Hindi ko kailanman naisip na darating ako sa punto that I will be handcuffed.

  “Why do you have to handcuff me?” Nakakainis! Nakakainis talaga.

“Para hindi ka makalaban. Kilala kita at alam ko na kung bibigyan ka ng pagkakataon, gaganti o tatakas ka. And I won’t give you any chances.” Shit! Umupo siya sa harap ko. Tapos hinarap ang mac ko. Ngumiti ulit siya tapos tumingin sa akin at sa hawak niyang USB.

Kanina nung tumakbo ako palabas, wala na talaga akong planong bumalik ng kwarto. In fact gusto ko ng bumalik ng apartment namin ni Gretchen dahil sa kahihiyan. At dahil din gusto kong sabunutan si Gretchen.

Pero papalabas na ako ng condo nung lumabas siya ng kwarto hawak ang 15” Macbook pro with retina display at hawak ang USB na yan.

“Maganda pala ang laptop mo ano? Gagana kaya ito dito?” Bigla akong kinabahan. Alam ko kung ano ang hawak niya. Ang USB na yan ay may file na pagkasaksak mo, your computer will be rendered useless. Parang sinunog lang buong pc mo.

“What are you doing?” Nagpapanic na sabi ko. Hindi niya pwedeng gawin yan. Mahigit 100K ang bili ko sa macbook na yan. Andyan lahat ng files ko pati files sa bureau. Pati password at kung ano ano pa.  Hindi ko pa naman naback up yan dahil kabibili ko nga lang.

“Wala pa naman. Kung..susunod ka sa akin.” Ngumiti ulit siya ng nakakaloko. Napatingin ako sa tuwalyang nakatapis sa kanya. Hindi na talaga siya nagbihis.

At dahil nga hostage niya ang beloved macbook ko, andito ako ngayon sa harap niya na parang isang criminal na iniinterrogate.

Kinalikot niya ang macbook and he smiled. Parang demonyo lang. Sarap itapon sa nag aapoy na bulkan where he belongs. Pinatugtog niya ang macbook ko.

“Dapat may music para masaya.” He smirked.

Why do birds suddenly appear?

Everytime you are near

Just like me they long to be

Close to you...

Napapikit ako sa kanta. Bwisit! Nang aasar talaga. Hininaan niya ang sound at umupo sa chair sa harap ko. Nakangiti siya at nakasimangot ako.

“Bakit mo ako binobosohan?” Napalayo ang mukha ko kasi bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

“Hindi kita binobosohan.. Aray!” Pinitik niya ang ilong ko. Waaaa!

 Shit! Ang sakit. Pagnakatakas talaga ako dito, dila mo lang ang walang latay Jhudiel. Isaksak mo yan sa macbook ko. Dila lang. Kahit ang pinagmaMALAKI mong bird hindi makakaligtas sa akin.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!