24.

Pinagtawanan ko siya pero pilit ang tawa ko at biglang natigil ito nung tiningnan ko siya at nakita ko ang klase ng tingin niya sa akin. Na-nababaliw na ba siya?

Bigla akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at lumayo sa kanya. Utang  na loob.

“Ga-gago ka ba! Wag mo akong maganyan ganyan ha!” Pakiramdam ko nag iinit ang buong pagmumukha ko.  Nagmamadali akong lumayo sa kanya. Gago talaga! Bwisit! Ipinikit ko ang mata ko pero pagpikit ko, bumalik sa alaala ko ang klase ng tingin na binigay niya sa akin. Ayy bwisit!

Naglakad lakad lang ako saglit sa seashore and after a while, bumalik na ako sa tulugan namin. Nakita ko siyang tulog na. Nagpasalamat ako. Saan kaya niya dinala ang pagkaarouse niya? Sira ulo talaga. Inaannounce na namamanyak. Sa totoo lang, normal na tao ba siya?

Dahan dahan akong lumapit at humiga sa tabi niya. Mabuti naman at hindi na siya nagising hanggang sa makahiga ako. Tumagilid Ako patalikod sa kanya at huminga ng malalim tapos pumikit na. At dahil na rin siguro sa pagod, unti unti na akong nakakatulog nung may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko.

Anak ng pating naman!

Sisinghalan ko na sana nung marinig ko ang mahinang paghilik niya. Ano ba yan! Kahit tulog manyak pa din. Pabalibag kong inalis ang kamay niya sa bewang ko at tinulak siya.

Umayos naman siya at ni hindi man lang nagising. Tulog mantika pala to. Kahit ata, malunod ang isla hindi siya magigising. Pinakiramdaman ko saglit pero hindi na siya gumalaw kaya nakatulog ako ng matiwasay.

Nagising ako kinabukasan na mabigat ang katawan ko. Parang dinadaganan ako ng isang sakong bigas. At nung imunulat ko ang mga mata ko, nakita kong nakapulupot na naman ang kamay ni Jhudiel sa akin at pati ang legs niya nakapulupot sa legs ko.

Halos  hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Anak ng tilapya ka Jhudiel! Nakasiksik pa ang mukha ng walanghiya sa leeg ko. Kinalma ko ang sarili ko  kasi ang aga aga pa para magalit. Ni hindi pa nagsasunrise.

Kumalma ka Xiara. Yan ang ilang beses kong sinabi sa sarili ko. Nagbilang ako hanggang lima para pigilan ko ang sarili kong gumawa ng karuymal dumal na krimen.

5… breathe in

4…breathe out

3…breathe in

2…breathe out

1…breathe out

Pak!

Sinampal ko na. Hindi ko napigilan ang sarili ko eh. Kahit siguro hanggang isangdaan pa ang pagbilang ko hindi pa din ako kakalma. Paano ka kakalma kong pinupulutan ang katawan mo ng isang lalaki na pakiramdaman ata niya ay ahas siya.

Napasinghap siya dahil sa samapal ko.

“What the heck!” Disoriented pa siya nung sinabi niya yun. Hindi pa niya ata alam kung saang lupalop siya ng daigdig. I took the opportunity para itulak siya.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!